Pang Animnapu't Anim Na Patak

7 1 0
                                    

PASYA

Hindi ako marunong makalimot
Kahit anong sabihin, gawin o iparamdam ng tao,
Natatandaan ko kahit ang masasakit na pangakong
Bigo mong tuparin dahil sa bigla mong pagbabago.

Aalis ka na raw
Pupunta sa malayong lugar
Mas lalong lalabo ang posibilidad
Na magtagpo ang ating landas.

Hindi ko magagawang aminin ang nararamdaman
Hindi ko mapapadama kung gaano ka kahalaga
Hindi ko na maririnig ang iyong mga tawa
Mas magiging impossible na magkita pa tayong dalawa.

Napakasaklap parang sa isang drama
Parang isang kwento na masakit ang wakas
Pero wala akong magagawa kung ito talaga ang guhit ng tadhana.
Hindi na ba mababago ang iyong pasya?

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now