Pang Limampu't Tatlong Patak

11 3 3
                                    

PINAGPALIT

Naghintay kahit hindi sigurado
Nagpatuloy kahit hindi alam kung saan patungo
Nagmahal kahit alam kong dehado
Naniwala kahit hindi totoo

Isa sa mga ginawa ng tangang katulad ko
Para sa taong sa'kin nanggago
Nanatili sa piling mo dahil ayaw kong mawalay sa'yo
Nagsama kahit hindi na dama ang pag-ibig sa apat na sulok ng kwarto

Nagmahalan naman siguro tayo?
Pero bakit kailangan mong magbago
At magpahinga sa ibang tao?
Sinabi mo pa noon ako lang hanggang dulo

Madaya ka sa larong ito
Tinalo mo ang taong nagmahal ng totoo
Binigo mo ang taong tumanggap sa'yo ng buo
Winasak mo ang pusong tumitibok lamang para sa'yo

Hindi ko maintindihan kong dapat ko bang maranasan ang masaktan ng ganito?
Gusto ko lang namang masuklian ang pagmamahal ko
At hindi maiwananang mag-isa sa isang sulok
Ipagpalit at iparamdam na hindi ako sapat para sa taong minahal ko

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now