Pang Pitumpu't Isang Patak Ng Tula

15 1 6
                                    

TSUBIBO

Muli na naman akong binabalot ng lungkot
Nakatalukbong sa aking kumot
Habang bumubuhos ang mga tanong
Katulad ng bakit, paano at siguro?

Paulit-ulit at pa-ikot-ikot
Na lamang ang sistema sa aking mundo
Kapag piniling kumawala nang tawa ko
Kalungkutan at paghikbi naman ang kasunod.

Nakakalula na ang biyahe sa tsubibo
Kahit maginhawa lang naman ang biyaheng pataas nito
Lagapak naman ang pababa hanggang sa paghinto
Parang ang sitwasyon ko ngayon.

Ayaw ko nang maglaro
Alam ko namang matatalo
Kailan nga ba ako mananalo
Eh palagi naman talaga akong dehado sa dulo?

Kung sana sa ginawang pagtaya ko
Ay aking nasigurado
At nakalkulado ng wasto
Baka posible pang mabago ang tagpo.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat