Pang Limampu't Pitong Patak

13 3 0
                                    

HALIK

Ang ganda ng gabi
Lalo na't ikaw ang aking katabi
Parang mapupunit ang aking labi sa kakangiti
Nasa harap ko na ang aking iniibig

Ito na ang gabi
Ng aking una't huling pag-amin
Kahit panganib ang sa akin ay nakatingin
Hindi lilingon dahil mas nais kitang makapiling

Natatakot ako pero hindi ko maaaring itanggi
Naangkin mo na ang puso ko at isip
Mga luha sa mata ko ay nangilid
Sapagkat ito na ang huling sandali

Sandaling masisilayan ang iyong ngiti
Maririnig ang iyong boses
At mararamdaman ang yakap mong puno ng paglalambing
Ako na ngayon ay aamin

Sa'yo ako ngayon ay umiibig
Nahulog na nga kahit sobrang nagpigil
Aaminin kong hindi kita pwedeng mahalin
Dahil sa sandaling iyon ay mangyari--

Ikamamatay ko ito dahil iyan ang kapalit
Ikaw ngayon ang nagwagi
Maaari ba akong humiling ng isang halik
Para sa aking pagpanaw ako ay nakangiti?

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now