Pang dalawampu't isang Patak

20 1 0
                                    

POSIBLE

Nakakatakot kang mahalin.
Puno ng pangamba ang aking isip.
Hindi ako makatulog sa gabi sa kakaisip
Sa mga bagay na maaaring posible.

Na baka masama ang iyong hangarin,
Na baka ako ay iwan mo rin,
Kagaya ng ginawa mo sa inibig mo dati,
Nasasaktan ako kapag ito ay sumasagi sa aking isip.

Gusto ko lang namang mahalin,
Iyong pangmatagalan, kahit mahinhin.
Iyong totoo at hindi kunwari.
Iyong walang katapusan at hindi bitin.

Sa totoo lang, gustong-gusto kitang mahalin
Ng higit pa sa naranasan mo dati.
At iparamdam sa iyo na ikaw ay mahalaga sa akin.
Iyon nga lang kailangan ko munang siguraduhin—

Na totoo ang lahat ng pinapakita mo sa akin.
Na hindi ako maiiwan katulad ng mga nauna pa sa akin.
Na hindi ako iiyak at masasawi aa pag-ibig.
Dahil pinili kong ikaw ay aking ibigin sa kabila ng nakakatakot na mga posible.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now