Pang-Anim na Patak

54 13 0
                                    

KWENTO
Dedicated to AyaKaraMara

Dumating ka sa buhay ko ng walang pasabi,
Nawala ka rin na parang bula sa aking piling.
Parang dati lang ay yakap-yakap kita sa gabi,
Ngayon iba na ang iyong kapiling.

Sinulat ko ang kwento nating dalawa,
Walang bahid ng pagkakamali akong nakita.
Inaasahan kong maganda ang magiging wakas nitong nobela,
Ngunit kakaiba ang naging pihit ng mga pangyayari pagdating sa gitna.

Hindi ko alam kung papaano ko tutuldokan
Gayong ang aking pangunahing tauhan
Ay mag-isa na lamang ngayon sa buhay.
Paano kaya ipagpapatuloy kung siya ngayon ay wala ng kasama?

Mahahanapan ko kaya siya ng panibagong tauhan na makakatagpo?
Mabibigay ko kaya sa kaniya ang wakas ng kwento na gusto kong kaniyang matamo?
Magagawa niya kayang maging masaya sa dulo at maghilom,
Kahit ibang tauhan na ang kapiling at hindi planado?

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now