Simula

210 6 0
                                    

"Kamusta ang kanyang lagay?"











Napalingon ang bantay sa bagong dating at mabilis na nagbigay galang rito.











"Ganoon pa rin, pinuno, ngunit unti-unti nang nagbabago ang kanyang anyo. Sa tingin ko ay malapit nang dumating ang tamang oras" sagot ng bantay na matagal nang nagmamasid.











Nasa loob sila ng isang madilim na silid na tanging liwanag mula sa apoy ang nagsisilbing liwanag. Tago ang kanilang lugar kaya't walang makakaalam ng kanilang kinaroroonan.












"Kung gano'n ay isa lamang ang ibig sabihin n’yon" ani ng kanilang pinuno bago ngumiti.












"Nalalapit na ang kanyang pagbabalik."












"Ganoon na nga, pinuno" ani ng tapat na bantay.












"Bantayan mo siyang mabuti. Paniguradong may nais itong gawin sa panahon na ito ay magising" bilin niya na nananatiling nakangiti.












"Masusunod, pinuno" ani ng bantay.












Nanatili ang ngiti  sa labi niya na siyang tinatawag nilang pinuno.











Matagal-tagal na rin simula nang manatili ito sa kinaluluanan nito. Anang isang bahagi ng isip niya.












Muli itong tumingin sa kinaroroonan ng matagal na nilang binabantayan.












Nababalutan ng makapal na salamin ang kinahihigaan nito habang may nakakibit na kung anu-anong aparato sa katawan nito.












Wala itong suot ni isang saplot ngunit nanatili ang ganda ng kutis nito sa tagal ng panahon. Matagal-tagal na rin simula nang mawala ito ngunit alam niyang magbabago ang lahat sa oras na ito ay magising, at malapit na ang araw na iyon.












"Malapit na ang oras, Kiira. Muli mo nang masisimulan ang iyong plano" turan niya bago tuluyang lumisan sa silid na iyon.












Paalis na sana siya nang bigla silang mapatingin sa kinaluluanan ni Kiira.












"Anong nangyayari?" takang tanong niya.












Parehas silang nataranta ng bantay. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari.












Nagsimulang yumanig ang lugar habang puno ng pagtataka ang dalawa.












"Si Kiira!" sigaw niya na sinusubukang makalapit sa kinaroroonan nito.












Nanlaki ang mga mata nila nang magliwanag ang siyang pumuprotekta kay Kiira. Walang salita na lumabas sa kanilang bibig hanggang sa tumigil ang pagyanig.












Napapitlag ang dalawa nang marinig nila ang pagtunog ng salamin na siyang harang hudyat na nagbukas iyon.











"K-Kiira?" nauutal na bigkas niya sa pangalan ni Kiira.











Napalunok siya nang unti-unti nilang makita ang  pagbangon ni Kiira. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi sa labis na tuwa.












"Nagbalik na ang isinugo!" sigaw niya na puno ng saya.












Malaki pa rin ang ngiti niya hanggang sa lumingon sa kanya si Kiira na siyang kay tagal niyang hinintay na muling magbalik.












Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "Kinagagalak kong makita ka muli... Tito Satuko."











| | To be Continued... | |

The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now