Kabanata Dalawampu't Siyam

26 4 0
                                    

Target ko na tapusin to this month... Hopefully matupad siya...

****

“Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa amin” ani ng isang babae.












“Tama ang iyong tinuran. Sadyang napakaganda niya” ani naman ng isang lalaki na katabi ng babae.












“Balang araw ay ikaw na ang susunod sa aming yapak. Nawa ay maging magaling kang pinuno sa kanila” ani muli ng babae.












Takang-taka si Kiira sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Malabo ang lahat sa kanyang paningin at tanging mga boses na hindi pamilyar sa kanya ang kanyang naririnig.












Sa sumunod na pangyayari ay tila natatarantang mga lakad ang kanyang naririnig habang hawak-hawak siya ng babae.












Sumunod naman ang maiingay na sigaw na puno ng pagmamakaawa.













“Ikaw na ang bahala sa kanya. Ingatan mo siyang mabuti” ani ng babae.












Palayo ng palayo ang bulto ng babae sa kanya hanggang sa isang malaking apoy ang bigla na lamang sumilab sa kanyang harapan.












Humahangos na napabalikwas ng bangon si Kiira. Tagaktak rin ang pawis sa kanyang mukha na tila kay layo ng kanyang tinakbo.












“Ang panaginip na namang iyon” mahinang turan niya sa hangin.












Napahawak siya sa kanyang palapulsuhan nang makaramdam ng kakaiba roon. Tila sinisilaban iyon sa sobrang sakit.













Simula nang sabihin ni Akurio ang mga katagang iyon ay nagsimula siyang managinip.












Iniisip niya na isa iyong nakaraan ngunit hindi niya mawari kung kanino dahil malabo ang lahat sa kanya.













“Ayos ka lang ba?”













Napa-angat siya ng tingin nang marinig ang boses ni Shena.












Napabuntong hininga siya at napasuklay na lamang sa kanyang buhok.













“Mukhang napapadalas ang ganitong pangyayari sa iyo sa mga nakalipas na araw. Kinakailangan na ba itong malaman ni Tito Satuko?” ani nito.












Umiling siya rito. “Hindi na kailangan. Baka isa lamang itong pangitain.”













“Ngunit bakit ito paulit-ulit na nagpapakita sa iyo sa mga nagdaan na araw?” tanong nito na puno ng pag-aalala. “Tila ba hindi na ito isang ordinaryong pangitain lalo na at ang alam mo ay isa itong nakaraan.”













Muli siyang napabuntong hininga habang nakaupo sa kanyang higaan.












“Hindi ko rin alam, Shena, ngunit wala akong ibang nais na mapagsabihan nito” saad niya at tumingin rito. “Kaya inaasahan ko na hindi mo ito ipagsasabi sa iba.”












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя