Kabanata Dalawampu

37 4 0
                                    

Magsasalita na sana si Kiira nang bigla na lamang may lumitaw sa tabi ni Akurio.












“S-sino ka?” nauutal na tanong niya sa bagong dating.













Humarap sa kanya si Akurio. “Ito si Yoshiro. Ang aking tapat at nag-iisang alagad.”














Napatingin siya sa katabi nitong nagngangalang Yoshiro. Wala man lang itong kangiti-ngiti at tila iwas rin ito sa mga nilalang na katulad niya.













“Siya lamang ang aking naiisip na maaring makatulong sa iyo upang mas malaman pa ang iyong mahika. Siya rin ang nagturo sa akin habang ako ay bata pa” litanya pa nito.













Napakunot ang noo niya nang dahil sa huli nitong sinabi.













“Ngunit ang sabi sa akin ni Tito Satuko ay wala kang karamay hanggang sa iyong paglaki?” takhang turan niya.














“Hindi sa lahat ng bagay ay alam niya ang aking mga ginagawa” tanging sinabi nito.













Napatingin siya kay Yoshiro nang lumapit ito sa kanya. Sa pakiwari niya ay hindi nalalayo ang edad nito kay Akurio.













“Ayos lamang ba kung ngayong araw tayo mismo mag-eensayo?” tanong nito.













Tumango siya rito bilang pagsagot.













Hindi niya mawari ngunit tila may kakaiba rito na hindi niya mapangalanan.













“Kung ganoon ay tutungo tayo sa bundok ng Peneya” pagsingit ni Akurio.













Agad namang kumunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi nito.













“Bundok ng Peneya?” takhang tanong niya. “Ngayon ko lamang narinig ang bundok na iyan” dagdag pa niya.













“Ang bundok ng Peneya ay maliit lamang kaya hindi ito ganoon kakilala” ani Akurio.












“Mas mainam iyong gamitin kung ikaw ay nag-eensayo” ani naman ni Yoshiro.













Napatango-tango na lamang siya at hindi na nagkomento pa. Nang maglakad ang mga ito ay sumunod na lamang siya.













Hindi niya rin naman batid kung saan matatagpuan ang bundok na iyon.













Ilang saglit pa ay nagbago ang lugar na kinatatayuan nila sa tulong ni Akurio. Napaawang ang kanyang labi sa ganda ng lugar.













Napakamaaliwalas na bundok ang kanyang nakikita habang tila paraiso ang lugar na iyon.













Napatingin siya sa kanyang kanang gawi nang makarinig ng lagaspas ng tubig. Walang anu-ano siyang naglakad patungo roon at muling napaawang ang kanyang labi sa nakita.













“Kay ganda ng lugar na ito” naibulalas niya nalang.














“Tama ang iyong tinuran. Iilan lamang ang nakakaalam sa bundok na ito at iilan lang ring ang nakakapunta rito” ani Akurio na siyang nasa tabi niya na pala.













The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora