Kabanata Labing Tatlo

47 5 0
                                    

Tahimik na tinatahak nina Kiira at kanyang mga kasama ang daan patungo sa sentro.













Limang pangkat ang isinama sa kanyang pangkat kasama pa sina Saito.












Matapos nang nangyaring tagpo sa silid ng pagpupulong ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila ng kanyang mga kaibigan.












Nauuna ang kanyang pangkat sa paglakad habang kasunod niya sina Saito at ang lima pang pangkat.












“Kiira…”












Napatingin siya kay Shena na siyang katabi niya.












“Bakit?” tanong niya rito bago tumingin sa unahan.












“Ayos lang ba na ganito kayo ng iyong mga kaibigan?”












“Hindi mo kami kailangang alalahanin, Shena. Ma-iisip niya rin kung bakit ko iyon ginawa” saad niya.












Tumango naman ito at hindi na nagsalita pa.












Huminto ang lahat ng huminto siya sa paglalakad. Nasa sentro na sila ngunit wala naman silang naabutan roon.













“Tito Satuko…” pagtawag niya rito na siyang katabi ni Shena.












Hindi niya inaasahan na sasama ito gayong may edad na rin ito at baka mapaano pa ito.












“Sigurado ako na dito sila namamalagi. Marahil ay nagtatago lamang sila” ani nito na nagpapalinga-linga rin.













Humarap siya sa lahat at tulad ng iba ay nagpapalinga-linga din ito. Pinaningkitan niya ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita ni isa sa kanilang kaaway maging ang presensiya ng mga ito.












Maya-maya pa ay bigla na lamang siyang napaigik ng mahina nang maramdaman na kumirot ang diyamante sa kanyang noo.












“Ayos ka lang ba, pinuno?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Nagura.












Marahan siyang tumango at hinawakan ang diyamante sa kanyang noo.












Inayos niya ang pagkakatalukbong ng sabong sa kanyang ulo at yumuko.












“Lilisan muna ako sumandali” seryosong saad niya na kinataka ng lahat.












“Saan ka tutungo?” tanong ni Satuko sa kanya.













“May pupuntahan lamang ako” sagot niya at tumalikod sa mga ito. “Sumama ka sa akin, Shena” dagdag pa niya bago naglaho sa harapan ng mga ito.













Sa isang kisap mata ay nakarating siya sa kabilang dako ng sentro. Katulad ng naroon ay sira-sira ang mga tahanan at dating pamilihan.













“May naramdaman ka bang presensiya, Kiira?” tanong sa kanya ni Shena nang makita ang kanyang anyo.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now