Kabanata Dalawampu't Tatlo

27 4 0
                                    

Tahimik na tinatahak ni Kiira ang daan patungo sa libingan ng mga nahimlay na.












Ilang saglit lamang ay narating na niya ang lugar. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa matunton ang pamilyar na puntod.












Bahagya siyang umupo at inilagayang dalang bulaklak sa puntod ni Mihiko.












Inilahad niya ang kanyang palad at inilabas ang kutsilyong ibinigay nito sa kanya. Malungkot ang ngiting inilagay niya iyon sa gitna.












“Matagal-tagal na rin ang lumipas at ngayon ko na lamang muling nadalaw ang iyong puntod” panimula niya.












Napakatahimik ng lugar, tila siya lamang ang nag-iisa roon. Sa kabila ng nangyayari sa mundo ng mga ito ay nanatili ang ayos sa libingan na iyon.












Dahil na rin marahil sa binabantayan iyon ni Bathalang Habue.












“Marahil ay may galit ka ring nararamdaman sa akin katulad ng iyong kapatid, kaya patawad kung hindi ko tuluyang pinaslang ang nilalang na pumaslang sa iyo” litanya niya.












Hindi na siya nagtaka nang may tumulong luha sa kanyang mata.












“Patawad” mahinang usal niya. “Patawad kung wala akong nagawa upang manatili ka sa piling ng iyong mga mahal sa buhay. Batid kong hindi na maibabalik ng paghingi ko ng tawad ang iyong buhay, ngunit ipinapangako ko na hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Michie.












“Aaminin kong hindi kami maayos ni Michie sa ngayon ngunit batid kong darating ang araw na magkakaayos rin kaming dalawa. Naniniwala akong mangyayari ang bagay na iyon” ani niya.












Umihip ang hangin na siyang kinatingala niya. Unti-unti siyang napangiti at muling tumingin sa puntod ni Mihiko.













“Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw na kasama kita. Panandalian man iyon ngunit labis na saya ang ipinaramdam mo sa akin” nakangiting turan niya.












Mabilis na napitingin siya sa kanyang likuran nang may maramdamang presensiya.












“Michie…” mahinang bigkas niya sa pangalan na nasa kanyang likuran.












Tumayo siya at hinarap ito. Nakatingin lang din ito sa kanya. Ilang sandali pa ay bahagya siyang ngumiti rito.













Kinuha niya ang kutsilyong inilapag sa puntod ni Mihiko at muling humarap kay Michie.












“Hindi ko akalain na magkikita tayo rito. Dinalaw ko lamang si Mihiko dahil limang taon rin akong nawala” litanya niya rito.













Naglakad siya palapit rito at tumigil nang nasa harapan na siya nito.












“Patawad, Michie” tanging sinabi niya bago naglakad palayo.













Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay bigla itong nagsalita.













“Sandali lamang” ani nito.












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now