Wakas

95 4 0
                                    

Mga nagtatanyagang gusali ang makikita sa buong lugar ng lupain ng Yamashi makalipas ang pitong taon.














Ang bawat tindahan na noon ay nawala ay bumalik na tila walang nangyari. Bumalik rin ang ngiti sa bawat mukha ng bawat isa.














“Pinunong Saito” ani ng isang tapat na bantay.














“Ano ang iyong pakay rito?” tanong ni Saito rito.














“Narito na ang may-ari ng mga gulay na ibabahagi para sa mga nasa pamalengkihan” sagot ng bantay.














“Papasukin siya” ani Saito.














Si Saito Yamashi na siyang pangalawang anak ni Amiro ang siyang tumayong bagong pinuno ng limang lupain ng Yamashi.















Kasama rin nito ang napangasawa nitong si Shami na ngayon ay muling dinadala ang ikatlo nitong anak.















Matapos ng digmaan ay kinakailangan ng bagong ihahalal na pinuno kaya minabuti ni Saito na tanggapin ang posisyon na noon pa man ay para rito.














Samantalang si Laito naman ay pinagpatuloy ang pangangalaga sa mismong akademya na pag-aari ng pamilya nito.















“Pinunong Laito!” sigaw ng isang babae na hindi nalalayo sa edad nito.















Napabuntong hininga si Laito dahil sa narinig. “Hindi ba at sinabi ko na sa iyong huwag mo na akong tatawaging pinuno, Kreya?”















“Paumanhin” ani ng babaeng nagngangalang Kreya.














Walang nagawa si Laito kung hindi ang yakapin si Kreya na kinapula nang pisngi ng huli.















“Baka may makakita sa atin, Laito” bulong ni Kreya na puno ng pagkailang.















“Ano naman kung makita nila tayo? Hindi ba maaring sakupin ng aking mga bisig ang aking kasintahan?” ani Laito.














Mas lalong namula ang mga pisngi ni Kreya na siyang bagong alaga ni Laito Yamashi na pangatlo sa mga anak ni Amiro.















Sa kabilang lupalop naman ng mundo ng mga soro ay makikita sina Saki na patuloy sa ginagawa nitong patagong pag-oobserba sa buong kapuluan.















“Wala ka talagang balak na ako ay kausapin, Saki?” nakangusong turan ni Aiko habang sinusundan si Saki.














“Tigilan mo ako, Aiko” malamig pa sa yelong turan ni Saki.















“Humingi na naman ako ng tawad sa iyong nakita na wala namang kahulugan” ani Aiko.















Huminto si Saki na siyang kinahinto rin ni Aiko. Makikita ang galit sa mukha ni Saki at batid ni Aiko na seryosong galit ito rito.















“Huwag mo akong sundan sinasabi ko sa ‘yo, Aiko” ani Saki bago muling naglakad.















Wala namang nagawa si Aiko kung hindi ang mapakamot na lamang sa batok nito at tuluyan itong tinigilan.















Ang bawat isang nakaligtas ay bumalik sa kanya-kanyang lupain upang magsimulang muli. Si Michie ay kasalukuyang dinadala ang una nitong anak sa isang mahikero na naging kasing-irog nito.















Si Abuerde naman ay masayang namaalam makalipas ang dalawang taon matapos ng digmaan, kaya si Asula na ang napiling papalit sa posisyong naiwanan nito.















Lahat ay nanumbalik ang saya. May iilan mang kasamaan na naganap ay agaran iyong nareresolba sa tulong ng pangkat ng mga Lamia na nagpatuloy sa tungkulin nito.















Ang grupong Lamia na siyang pinamumunuan noon ni Kiira ay pinamumunuan na ngayon ni Sachie na siyang anak ni Satuko.















Sa isang tahimik na silid ay iminulat ni Kiira ang kanyang mga mata.















Tanging mahinang lagaslas ng tubig ang naririnig ni Kiira nang siya ay bumangon. Madilim na rin sa labas at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag.















“Akurio?” pagtawag ni Kiira sa pangalan ng kanyang kasing-irog.
















Tuluyan na bumangon si Kiira at lumabas ng kanilang silid.















Ang kanilang tahanan ay nasa tuktok ng bundok ng Peneya kung saan pinili nilang manirahan gayong hindi isang ordinaryong pamilya ang mayroon sila.
















Dumapo ang malamig na hangin sa kanyang balat nang siya ay makalabas ng kanilang tahanan.















Nagtungo si Kiira sa pinakadulo kung saan matatanaw ang kabuuan ng bundok ng Peneya.
















Napangiti si Kiira nang makita ang hinahanap nito na nakatayo roon kasama ang kanilang anak.















“Narito lang pala kayo” nakangiting turan ni Kiira.















Lumingon ang mag-ama kay Kiira na tila dinadama ang katahimikan ng lugar.















Ang mga mata ng kanilang anak ay magkaiba, ang kaliwang mata nito ay kulay pula habang sa kanang mata nito ay kulay itim.
















Ang kanilang anak ay nasa anim na taong gulang na ngunit makikitaan na ng lakas ito na siyang kinababahala ni Kiira.















“Samahan mo kami rito, ina” ani Akiro na siyang makikitaan ng kalamigan sa mga mata nito ngunit may ngiti sa mga labi.















Ngumiti siya rito at tumango bago lumapit sa mga ito at sinamahan ang mga itong tanawin ang tahimik na lugar.














Naramdaman ni Kiira ang paglapat ng kamay ni Akurio sa kanyang balikat at iginiya siyang sumandal sa balikat nito na siyang ginawa niya.















“Maayos ba ang iyong pakiramdam?” ani Akurio kay Kiira.















Sumilay ang ngiti sa labi ni Kiira. “Ayos lamang ako, Akurio” at saka tinignan ito na siyang nakatingin rin rito. “Iibigin kita hanggang sa huli, Akurio.”















“Iibigin rin kita hanggang sa huli, Kiira” ani Akurio na siyang kinangiti ni Kiira bago naglapat ang kanilang mga labi.















Sa mga oras na iyon ay kuntento na si Kiira sa buhay na mayroon ito kasama ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya na nasa kanyang sinapupunan.












WAKAS!

The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now