kabanata Labing Lima

42 5 2
                                    

Dahan-dahan na iminulat ni Kiira ang kanyang mga mata.












“Sa wakas ay nagising ka na rin, Kiira. Pinag-alala mo kami ng sobra.”












Napalingon siya sa kanyang kanang gawi at nakita roon si Shena na tila nakahinga ng maluwag.












“Anong nangyari?” nanghihinang tanong niya rito.












“Bigla ka na lamang nawalan ng malay matapos lumisan ni Akurio. At ngayon ang pang-apat na araw na ikaw ay natutulog lamang” sagot nito.













Hindi siya nagsalita at muling naalala na bigla na lamang siyang nakaramdam ng panlalambot. Tila ba hinigop ng kung ano ang kanyang lakas.













Iniangat niya ang kanyang kamay at kitang-kita niya roon ang marka na iniwan sa kanya ni Akurio nang siya ay sumang-ayon sa nais nito.












“Maayos na ba ang iyong lagay? May nais ka bang inumin?” mga tanong nito sa kanya na puno ng pag-aalala.












“Gusto ko ng tubig” tanging sinabi niya.












Sinubukan niyang umupo at tinulungan naman siya nito hanggang sa makasandal siya.













“Babalik rin ako kaagad” ani nito.












Tumango lang siya rito at marahang hinilot ang kanyang sintido.












Muli siyang napatingin sa marka sa kanyang palad at sa tuwing makikita niya iyon ay ang wangis ni Akurio ang kanyang nakikita.












Napatingin siya sa pinto ng kanyang silid nang malakas iyong bumukas. Bumungad sa kanya ang hinihingal na si Satuko at ang apat na kasama niya sa pangkat.












Nagmamadaling pumasok ang mga ito at pinaligiran siya.












“Ayos na ba ang iyong lagay?” tanong sa kanya ni Satuko.












“May masakit ba sa iyo, pinuno?” tanong naman ni Sanho.












“Ayos lamang ako” sagot niya sa mga ito.













Kapwa napabuntong hininga ang mga ito.












“Nag-alala kami ng sobra sa iyo, pinuno. Akala namin ay hindi ka na muling magigising pa. Hindi rin kami magawang maisabak ni pinunong Satuko gayong nag-aalala kami sa iyong kalagayan” ani Ranna.












Ngumiti siya sa mga ito bago nagsalita. “Ayos lang talaga ako. Hindi niyo na kailangang mag-alala.”












“Wala ka bang nararamdaman na kahit ano?” tanong ni Satuko.












Pinakiramdaman niya ang sarili at nang wala naman siyang maramdaman ay umiling siya rito na siyang kinahinga nito ng maluwag.












“Ito na ang iyong inumin, Kiira” ani Shena na bigla na lamang sumulpot. “Gumawa rin ako ng iyong makakain upang mabawi mo ang iyong lakas.”











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now