Kabanata Dalawampu't Isa

31 5 0
                                    

Unti-unting idinilat ni Kiira ang kanyang mga mata. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari sa kanya.













Napakuyom siya at agad na tumayo bago siya naglakad palabas ng maliit na kweba.













Mas lalo siyang napakuyom ng mahigpit nang makita si Akurio at Yoshiro hindi kalayuan sa kanya. Tila may pinag-uusapan ang mga ito.












Hindi ko alam kung anong plano niyo ngunit masyado akong naging kampante. Anang isang bahagi ng isip niya.












Inilahad niya ang kanyang kamay sabay ng pagliwanag niyon.













Mabilis na nagpalabas siya ng atake at hindi na siya nagtaka pa nang malaman nito ang kanyang pag-atake.












“Gising ka na pala” ani Akurio nang humarap ito sa kanya.













Galit ang makikita sa kanyang mga mata habang nakatingin dito.












Hindi niya na napigilan pa ang sarili na atakihin ito na mabilis naman nitong nasasalag. Tila balewala lang rito ang mga ginagawa niya.












Nang maghiwalay silang dalawa ay sumenyas ito kay Yoshiro.













“Huwag kang makikialam rito, Yoshiro” ani nito.













Hindi na siya nagdalawang isip na sugurin itong muli. Pinaparamdam niya rito ang galit na nararamdaman niya.













“Pinagkatiwalaan kita. Naniwala ako sa ‘yo. Nagtiwala ako sa ‘yo” puno ng hinanakit na turan niya rito.












Nakatingin lang ito sa kanya habang sinasalag ang kanyang bawat atake.












Ilang saglit pa ay muli silang nagkalayo. Habol-habol niya ang kanyang paghinga dahil sa pagod.













“Nailabas mo na ba ang lahat ng iyong galit?” ani nito.













Napakuyom siyang muli habang may galit pa rin ang mga mata na nakatingin rito.












“Dapat ngang sinunod ko ang sinabi nina Saito” may galit na turan niya.












Napansin niya na dumilim ang anyo ng mukha nito at hindi niya maipagkakailang nakaramdam siya ng takot sa nakikita rito.












“Yoshiro…” tila malamig pa sa hangin na bigkas nito sa pangalan ng alagad nito.













“Ano ang nais mong ipagawa sa akin?” ani Yoshiro.












“Lisanin mo ang lugar na ito” saad nito.












“A-ano?” utal na tanong ni Yoshiro rito na puno ng pagtataka na tulad niya.












“Huwag kang babalik hanggat hindi ko sinasabi” tanging sinabi lang nito.












Pasimple siyang napalunok sa enerhiyang nararamdaman niya. Tumingin sa kanya si Yoshiro bago ito tuluyang umalis.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon