Kabanata Lima

58 4 1
                                    

Nakatingin si Kiira sa mga sandata na galing sa iba’t ibang pangkat ng mga nasawi.












Tumingin sa kanya si Satuko ngunit agad siyang tumalikod at nagtungo sa kanyang silid. Nang makarating roon ay naupo siya sa gilid ng kanyang higaan paharap sa bintana.












Hindi pa man nagtatagal ay may kumatok sa pinto ng kanyang silid. Hindi siya nagsalita ngunit narinig niya ang pagbukas at sara ng pinto.












“Kiira…”












Isang butil ng luha ang kumawala sa kanyang mata kaya agad siyang yumuko.












Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya. Agad siyang sumandal sa balikat nito habang inakbayan naman siya nito.












Nagbuntong hininga ito bago nagsalita. “Alam ko na hindi ito magiging madali. Sa limang taon na wala ka ay marami ang nawalan ng buhay, ngunit alam ko na masakit itong makita.”












“Paumanhin, Tito Satuko, kung ako ay nagkakaganito” saad niya.












“Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin, Kiira. Hindi ko nais malaman na sinisisi mo ang iyong sarili sa nangyaring ito. Kusang loob silang sumapi sa grupong ito kaya hindi mo kasalanan kung may mawalan ng buhay sa isa sa kanila” litanya nito.












Hindi siya sumagot at hindi naman ito nagsalita pa hanggang sa tumahan siya.












“Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” tanong nito sa malumanay na boses.











Tumango siya habang bahagyang nakangiti. Hindi niya nais na makasakit ngunit wala siyang magagawa kung oras na ng mga ito o hindi.












“Naibalita sa akin na umatras ang mga fera belua kanina” kalaunan ay turan nito.












Takang napatingin siya dito dahil sa sinabi nito. “Umatras?”












Tumango ito. “Batay sa sinabi ni Feria, nang makarinig ng tila isang tinig ang mga ito ay kusang nagsiatrasan ang mga ito. May nakita rin silang isang bulto ng lalaki na nakatalikod habang may suot na kapa na may sabong. Ang kaibahan nga lang ay kulay kayumanggi ang kapa ng mga ito.”












Napakunot ang noo niya at naging palaisipan sa kanya ang sinabi nito. Hindi niya nakita sa kanyang pangitain ang sinabi nito.












Napatingin siya rito nang tumayo ito.












“Kinakailangan kong asikasuhin ang mga sandata upang maipasa sa iba. May pagpupulong rin kaming mga nasa konseho, mabuti na lamang at hindi nakakahalata sa akin ang mga iyon” saad nito na sinamahan pa ng pagtawa. “Hindi ba't may importante pa kayong gagawin ng iyong pangkat?”
Tumango siya rito.












“Kung ganoon ay maiwanan na kita” paalam nito na tinanguhan niya lang.












Nang maiwanan siya ay nanaig ang katahimikan sa kanyang silid. Nang ilang sandali pa ay nagbuntong hininga siya bago lumabas sa kanyang silid.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now