Kabanata Tatlumpu't Anim

28 4 1
                                    

Tahimik na nakaupo lamang si Kiira habang inaayusan siya nina Sana na hindi niya inakalang makikita niya pang muli.













“Bakit tila may pangamba sa iyong mukha, Kiira?” tanong sa kanya ni Yana.













Bahagya siyang ngumiti rito na puno ng pagkabahala.













“Nangangamba lamang ako sa maaaring mangyari sa oras ng ritwal na aking gagawin” saad niya.













Napatingin siya kay Lana na masuyong hinawakan ang kanyang balikat. “Nakasisiguro kaming magiging matagumpay iyon.”













“Salamat” nakangiting turan niya sa mga ito.













“Maayos na ba ang lahat?”













Napalingon sila sa gawing pinto nang marinig ang boses ni Satuko. Malaki ang ngiti nito nang matignan nito ang kanyang kasuotan.













“Kay ganda mo sa iyong kasuotan, Kiira. Tila isa kang diwata” ani Satuko sa kanya.













Naiilang na tumawa siya sa sinabi nito.













Ang kanyang kasuotan ay mahaba at sumasayad ang dulo niyon sa sahig. Mahaba rin ang kanyang manggas ngunit may hati iyon upang makita ang kanyang mga kamay at braso.














Ang kanyang buhok ay nakaladlad lamang habang iniipit ang gilid ng kanyang buhok. Nilagyan iyon ng isang bulaklak na nagsisilbing panali sa kanyang buhok.













Kulay kastanyas ang bulaklak na iyon na pinares sa kulay ng kanyang kasuotan.













“Handa na ang lahat at ikaw na lamang ang hinihintay upang maisagawa ang ritwal” kalaunan ay turan ni Satuko.














Napayuko siya at kinakabahang pinaglaruan ang kanyang mga daliri.













“May pangamba ka bang nararamdaman?” tanong nito.












Tumango siya bilang sagot rito. “Paano kung hindi maganda ang kalabasan ng ritwal na aking gagawin? Tinuruan nga ako ni Akurio ngunit walang kasiguraduhan na maisasagawa ko iyon ng maayos.”













Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang magkabila niyang pisngi dahilan upang mapatingin siya rito.













“Naniniwala kami sa iyo, Kiira. Ang kailangan mo lang din gawin ay ang maniwala sa iyong sarili” ani nito.












Pumikit siya at huminga ng malalim. Sa kanyang pagdilat ay ngumiti siya rito at mabilis itong niyakap.













“Maraming salamat, Tito Satuko” ani niya.













“Kaya mo ito, Kiira” ani nito.













Naghiwalay silang dalawa hanggang sa nagpasiya silang lumabas na.













Saglit siyang napatigil nang naroon na nga ang lahat. Pabilog ang naging ayos ng ritwal na kanyang gagawin. Tanging may maliit na espasyo lamang ang naging daanan.













The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now