Kabanata Tatlumpu't Walo

26 4 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Kiira habang habol-habol ang kanyang paghinga.












Napatingin siya kay Akurio na siyang nakaupo sa gilid ng kanyang higaan.












“Ayos—”













Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang ipinulupot niya ang mga braso sa braso nito at isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito.














Ilang beses siyang huminga ng malalim at mahigpit na kumapit sa kasuotan nito.











Hindi naman ito kumibo hanggang sa kumalma siya.













Iniangat nito ang kanyang ulo at saka inilapat ang hintuturo at gitnang daliri nito sa kanyang noo.













Napapansin niya na napapadalas itong gawin iyon sa kanya at hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.












“Kanina ka pa ba rito?” kalaunan ay tanong niya rito.












“Hindi naman” tipid na sagot nito.













Napatango na lamang siya at napahilot sa kanyang sintido. Sa bawat araw ay iba-iba ang kanyang nakikita.













Magsasalita na sana siya nang bigla na lamang may kumatok sa kanyang silid.













Napaharap siya kay Akurio nang maramdaman ang paglapat ng palad nito sa kanyang pisngi kasabay ng paglapat ng labi nito sa kanyang noo bago ito nawala.














“Kiira? Gising ka na ba?”














“A-ah. O-oo” nauutal na sagot niya habang namumula ang kanyang mga pisngi.













Bahagya siyang ngumiti kay Saito na siyang kumatok sa kanyang silid.













“Paumanhin. Kagigising ko lamang” ani niya rito. “May mahalaga ka bang sasabihin sa akin?” tanong niya rito.














Nilibot nito ang tingin sa kanyang silid na tila may hinahanap. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mapalunok dahil baka naramdaman nito ang presensiya ni Akurio.














“Saito” pagtawag niya rito.











Tumingin ito sa kanya at nagbuntong hininga. “Pinapahatid ni Tito Satuko na nagkakalat na sa ngayon ang mga alas ni Azula.”











“Gano’n ba? Pakisabi na mag-aayos lamang ako” nakangiting turan niya rito.













Handa na sana siyang umalis sa kanyang higaan nang pigilan siya nito.













Nagtatakang napatingin siya rito at nakatingin lang ito sa kanya.











“May… kailangan ka pa ba?” tanong niya rito.













The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now