Kabanata Tatlumpu't Lima

28 4 0
                                    

Habol-habol ni Kiira ang kanyang paghinga habang nakahiga sa kanyang higaan.












Sa muling pagkakataon ay mayroon na namang panaginip ang nagpakita sa kanya ngunit katulad pa rin iyon ng dati na malabo ang bawat mukha ng mga iyon.












“Maari mo ba akong dalhan ng maiinom, Shena?” utos niya.













Agad siyang nagising sa katotohanan nang walang sumagot sa kanyang iniuutos.













Napayuko na lamang siya at pinilit na pakalmahin ang sarili. Hindi niya na nais na gambalain pa si Akurio para lamang puntahan siya sa turing inaatake siya ng kanyang pagiging salamangkera.












“Kamusta ang iyong pakiramdam?”













Napa-angat siya ng tingin nang marinig ang boses ni Akurio.













Napabuga siya ng hangin at nagsabi rito ng totoo. “Ayos lamang ako.”













Nagtaka siya nang maglakad ito palapit sa kanya. Tila nahigit niya ang sariling hininga nang maupo ito sa gilid ng kanyang higaan.












“Napapadalas ba ang mga pangyayaring nagpapakita sa iyong mga panaginip?” kalaunan ay tanong nito.













Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito.












Paano nito nalaman ang bagay na iyon? Takhang tanong niya sa sarili.












“Tanging si Shena lamang ang nakakaalam ng bagay na iyon” mahinang turan niya.













“Alam ko” sagot nito. “Huwag mong masyadong isipin ang iyong mga nakikita sa iyong panaginip. Pagtuunan mo ng pansin ang pagkontrol sa iyong salamangka upang hindi na muling maulit ang nangyari” dagdag pa nito.












Marahan lamang siyang tumango at hindi na nag-abalang tumutol pa.













Napatingin siya rito nang magbuntong hininga ito. Nang tingnan niya ito ay nakatingin ito sa kanya.













“May problema ba?” tanong niya rito.













“May importante kang dapat na malaman tungkol sa iyong salamangka. Kadalasan na ito ang tungkulin ng bawat salamangkera gayong ang mga salamangkero ay limitado lamang ang kayang gawin” ani nito.













“Kumbaga ay tungkulin ito ng isang salamangkera” giit niya.













“Tama ang iyong tinuran” sang-ayon nito kahit hindi naman naging patanong ang kanyang sinabi.













“Nais mo bang simulan ito ngayong araw na ito?” tanong niya rito.













“Mas makabubuti kung ngayon natin ito gagawin. Walang kasiguraduhan na magiging matagumpay iyon ngunit naniniwala ako sa iyong kakayahan” litanya nito.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon