Kabanata Dalawampu't Apat

25 6 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas ngunit ni anino ni Akurio ay hindi nakita ni Kiira.













Nangangamba siya na baka may nangyari na rito ngunit kalaunan ay naaalala niya kung anong klaseng nilalang ito.













Isang buwan na rin na siya ay nagsasanay kasama si Yoshiro. Masasabi niya na mayroon siyang mga natutunan na bago sa kanya.













Kasalukuyan siyang nasa mataas na gusali kung saan pinagmamasdan niya ang Yamashi Akademya.












“Kiira…”












Napalingon siya sa kanyang likuran upang makita lamang si Shena.













Nangunot ang noo niya nang makita itong puno ng sugat na hindi naghihilom at ang malalalim nitong paghinga.













Mabilis na lumapit siya rito at inalalayan ito.













“Ano ang nangyari sa iyo at puno ka ng sugat?” tanong niya rito.













Nang tumingin ito sa kanya ay bahagyang umawang ang labi niya sa nakikitang luha sa mata nito.













“Nanganganib sila, Kiira. Kailangan ka nila” ani nito habang lumuluha.













“Sabihin mo sa akin kung saan ko sila matatagpuan?” tanong niya muli rito.












“Sa lupain ng Whiteville” sagot nito.












Inalalayan niya itong umupo bago hinawakan ang balikat nito.













“Magtungo ka kaagad sa ating lihim na taguan. Gamutin mo ang iyong mga sugat at huwag na huwag kang tutungo sa lupain in Whiteville” utos niya rito.













“Ngunit kailangan ko silang tulungan. Kailangan ko siyang tulungan” puno ng luha na turan nito.














“Batid ko na nais mong makabawi kay Michie ngunit mababalewala lamang iyon kung ilalagay mo naman sa alanganin ang iyong buhay. Makinig ka na lamang sa akin, Shena. Nakikiusap ako sa iyo” ani niya rito.













Hindi ito nakapagsalita at napayuko na lamang. Batid niya na susundin siya nito kaya tumayo na siya.












Ginamit na niya ang kanyang mahika upang mabilis na makarating sa lugar.













Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang sugatang kasapi ng grupo niya.












Ngunit mas nanlaki ang mga mata niya nang makita si Nagura na hawak sa leeg ng isang lalaki. Ganoon din si Saki na hawak rin ng isang lalaki.













Batid niya na isa sa mga alas ni Azula ang lalaki gayong sa kakaiba nitong lakas.













Napapikit siya ng mariin at napakuyom siya ng kamao sa labis na galit na nararamdaman. Apat ang nararamdaman niyang kaiiba sa lahat.












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon