Kabanata Tatlo

66 5 1
                                    

“Kung ganoon ay tugma nga ang aking nakita limang taon na ang nakakalipas” ani Kiira sa seryosong boses.












“Ganoon na nga” sang-ayon sa kanya ni Shena.












Katulad ng nakita niya noon sa kanyang pangitain. Hindi niya tuluyang napaslang si Azula kahit na nakuha niya ang puso nito.











Napabuga siya ng malalim na hininga.











“Hindi na kataka-taka na nakagawa siya kaagad ng paraan upang mabuhay. Sadya ngang parehas kami ng mahika ngunit aaminin kong mas may alam siya kumpara sa akin” litanya niya.











Hindi kumibo si Shena ngunit alam niya na nakikinig ito sa kanya. Muli siyang napabuntong hininga at seryosong tumingin rito.











“May iba pa bang balita tungkol sa nangyayari?” tanong niya.












Marahan itong tumango sa kanya.












“Batay sa aking obserbasyon, iba-iba ang fera belua na inilalabas ni Azula. Panigurado na mayroon pa siyang malakas na alas laban sa atin” ani Shena.











“Panigurado na mayroon siyang ganoon kaya kinakailangan nating magdoble ingat” turan niya.











“May isa pa akong na-obserbahan” saad nito.












Nangunot ang noo niya sa sinabi nito at batid ang kaseryosohan sa boses nito. “Ano iyon?”











“Ginagamit ni Azula ang grupong iyong nasimulan upang linlangin ang iyong mga kaibigan” ani nito.











Unti-unting nanlaki ang mata niya sa narinig. Hindi ito maaari. Anang isang bahagi ng isip niya.












Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Ang kanyang mga alagad ay sinuotan niya rin ng kapa na mayroong simbolo ng ating grupo.”











“Hindi ito maaari” bulong niya.











“Sa ngayon ay patuloy na nakikipaglaban si Saki sa mga ito. Hindi natin siya masisisi na magalit sa atin gayong nawalan ito ng mahal sa buhay” muling saad nito.











Napakuyom siya ng mga kamao at hindi mapigilang hindi makaramdam ng galit.












Ayaw niyang mapahamak ang kanyang mga kaibigan. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang mga ito.











“Kiira…”












“Bakit hindi ko naisip na magagawa niya rin ito?” ani niya sa malalim na boses at napakuyom ng mahigpit. “Kahit saan ko tignan ay mahina pa rin ako at walang laban sa kanya.”












“Hindi totoo iyan” pagtutol nito.











Napa-angat siya ng tingin nang maramdaman ang paghawak nito sa kamao ‘yan.











“Shena…” mahinang bigkas niya sa pangalan nito.














Bahagya itong ngumiti sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin.










The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now