kabanata Labing Anim

37 4 0
                                    

Naalimpungatan si Kiira nang tila makarinig siya ng mga nagsisigawan.












“Ano ang ingay na iyon?” inaantok pa na turan niya.












Kinusot niya ang mga mata niya at nagsimulang bumangon. Pagsilip niya sa bintana nang kanyang silid ay kalilitaw pa lamang ng araw.












Naghilamos lamang siya at nagsuot ng mahabang panabon sa kanyang katawan gayong hindi niya nais na makita ng iba ang kanyang ayos.












Bumaba na siya at lumabas ng kanilang tahanan.












“Ano ang nangyayari rito, Sanho?” tanong niya kay Sanho na siyang una niyang nakita.












Napalingon ito sa kanya kasabay ng iba pa nitong kasama na sina Ranna. Nagkukumpulan ang mga tao kaya hindi niya maaninag ang pinalilibutan ng mga ito.












“Paumanhin kung naistorbo ang iyong tulog, pinuno” ani Niroki.












“Ayos lamang iyon” sagot niya at tumingin sa unahan kung nasaan nagkukumpulan ang mga tao. “May nagaganap bang katuwa-tuwang ensayo?” muling tanong niya.












“Wala, pinuno. Mayroon lamang na hindi inaasahang panauhin” saad ni Nagura.













Hindi inaasahang panauhin? Tanong na nabuo sa kanyang isipan.












Magsasalita na sana siya nang bigla na lamangnilang narinig ang malakas na boses mula kay Satuko.












“Lisanin mo na ang lugar na ito ngayon din!” sigaw ni Satuko.












Wala silang narinig na sumagot ngunit nagsimulang mag-ingay ang mga tao sa paligid. Lalo na sa mga nakakakita sa nagaganap sa pinagkukumpulan ng mga ito.












“Pinuno!” sigaw ng apat sa kanya na hindi niya pinansin.












Kinakabahan na sumingit siya sa mga ito at ganoon na lamang na nanlaki ang kanyang mga mata nang masaksihan ang nangyayari.













Kasalukuyang sumusugod sina Laito at Saito kay Akurio na siyang sinasalag ang bawat atake ng magkapatid gamit ang espada nito.












“Anong kaganapan ito?” may kalakasang tanong niya na nagpalingon ng lahat sa kanya.













“Kami na ang bahala sa kanya, Ate Kiira” ani Laito.












“Itigil niyo na ito” seryosong saad niya.













“Hindi ito matatapos hanggat hindi nito nililisan ang lugar na ito” ani naman ni Saito.












Napakuyom siya ng kamao nang muling sumugod ng dalawa kay Akurio.












Napasinghap ang lahat maging siya nang masaksihan nila kung paano humiwalay ang braso ni Akurio na siyang may hawak na espada dahil sa kagagawan ni Saito.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now