Kabanata Apatnapu't Lima

52 6 0
                                    

“Nakahanda na ang lahat, Kiira.”















Napabuga ng hangin si Kiira nang marinig ang sinabi ni Saki sa kanya.















Simula nang maipanganak niya ang kanyang anak at pagkawala ni Akurio ay nagkaroon siya ng lakas na bumangon at tuluyan nang tapusin ang lahat.














Nang maiwan siya sa kanyang silid sa panibago nilang tahanan ay napatingin siya sa kanyang anak na mahimbing na natutulog.














Kasalukuyan silang nasa bundok ng Asuwales. Nadagdagan rin ang kanilang kasapi at nakisama ang mga iba pang nilalang sa gaganaping laban.














Lumapit siya sa kanyang anak na mayroong markang iniwan ni Akurio rito.














“Babalik rin ako, Akiro. Babalikan kita” mahinang turan niya sa kanyang anak bago ito hinalikan sa noo.














Nagtalaga siya ng ilang mahikera na magbabantay sa kanyang anak at mga bantay na magsisilbing proteksyon nito.















Muli niyang tinignan ang anak bago tuluyang tumalikod.














Napatingin sa kanya ang lahat nang makarating sa tagpuan nilang lahat. Nakahanda na ang mga ito at tanging siya na lamang ang hinihintay.













Nagtungo siya sa pinakaunahan ng mga ito at huminga ng malalim.














“Hindi na natin kailangang maghintay ng kanilang paglusob” panimula niya. “Tayo naman ngayon ang lulusob sa kanila at ipararamdam ang ating mga naramdaman nang mawala ang mga mahal natin sa buhay. Ipakita natin ang ating tunay na lakas.”














Matapos magsalita ay sumigaw ang mga ito ng pagsang-ayon.














Kanya-kanya silang sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.














Babalik ako, Akiro. Pangako. Anang isang bahagi ng kanyang isip.















Kahit na wala na si Akurio sa kanyang tabi ay nag-iwan pa rin ito ng mga impormasyon sa kanya.














Malaki ang naging tulong sa kanila ni Akurio kaya hindi siya makapapayag na hindi mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay nito.














“Kiira…”















Napatingin siya kay Michie na nasa kanyang tabi. Hinawakan rin nito ang kanyang kamay na siyang kinataka niya.














“May nais ka bang sabihin?” tanong niya rito.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. “Marami ang nawala sa iyo nang dahil sa aking kapatid. Ako na mismo ang humihingi ng tawad sa kanyang mga nagawa.”















“Ano ba ang iyong mga sinasabi, Michie?” ani niya rito. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin nang dahil lamang doon. Iyon ang kanilang kapalaran at wala tayong magagawa kung iyon ang kanilang kapalaran.













The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now