ESPESYAL NA KABANATA - SA ILALIM NG LIWANAG NG BUWAN

40 5 0
                                    

Sa Ilalim ng Liwanag ng Buwan

Naalimpungatan si Kiira at wala siyang Akurio na natagpuan sa kanilang silid.





Sinulyapan niya ang maliit na higaan para sa kanilang anak at tahimik na natutulog roon ang kanilang anak.





Suot ang isang kasuotan na hanggang hita ang haba ay tumayo siya at kumuha ng isang manipis na tela pantakip sa kanyang katawan.






Sa pagbukas niya ng pinto ay malamig na simoy ng hangin ang humaplos sa kanyang katawan habang sa ilalim ng liwanag ng buwan ay nakatayo si Akurio habang nakatalikod sa kanya.





Walang pag-aalinlangan na kanyang tinungo ang kinaroroonan nito.





“Akurio…” pagtawag niya rito.





Hindi ito lumingon ngunit batid niya na narinig siya nito at ramdam nito ang kanyang presensiya.






“Noon ayos lang sa akin na mag-isa. Ayos lang sa akin na maiwanan. Ngunit nang muli kitang masilayan ay ninais kong mapasaakin ka” panimula nito. “Masama bang hangarin na kuhain ang dapat na akin?”





Bahagya siyang ngumiti bago sumagot. “Walang masama na gawin ang bagay na iyon, Akurio, kung sa simula pa lamang ay sa iyo na nakalaan ang bagay na iyong ninanais.”





“Kung ganoon ay bakit napakaraming hadlang upang tuluyan kang mapasaakin?” muling tanong nito.





Hindi siya nakapagsalita kaya kalaunan ay hinawakan niya ang kamay nito na mabilis naman nitong hinawakan ng mahigpit.





“Sinabi ko noon na sana ay may magsabi sa akin na huwag akong aalis dahil ako ay mahalaga at natupad iyon nang tuluyan kang magbalik. Hindi mo man iyong direktahang sinambit ngunit nang ako ay iyong pagkatiwalaan ay malaking bagay na sa akin” ani nito.





Nasa tabi na siya nito kaya tiningala niya ito na hindi pa rin makatingin sa kanya.





“Nais kong malaman ang tungkol sa iyo, Akurio, mapamabuti man o masama. Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan” litanya niya.





Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat nito at napangiti nalang sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan.





“Paano kung bigla mo na lamang maisip na ako ay iwanan? Paano kung sa aking pag-amin ay maging mitya upang iyong piliin na ako ay iwanan?” ani nito. “Ganito man ako ngunit hindi ko nais na tuluyan kang mawala pa sa akin. Tiniis ko ang sakit nang ikaw ay magbalik ngunit ikaw naman ay nakapaloob sa bisig ng aking kapatid.





“Pinilit kong kalmahin ang aking sarili dahil hindi ko nais na ikaw ay matakot sa akin at isipin na ako ay hindi kaaya-aya. Sa mga araw na ikaw ay aking laging nakikita sa kanyang tabi ay tila punyal na unti-unting pumapatay sa akin” saad nito.





Napapikit siya at ramdam niya ang sakit na naramdaman nito.





Kung una lamang kitang nakilala ay naibsan ko sana ang sakit na iyong pinagdaanan. Anang isang bahagi ng kanyang isip.




The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz