Kabanata Apat

56 5 1
                                    

Nanatili ang ngiti sa labi ni Kiira habang nakatingin sa mga kasapi ng kanyang grupo.











May isinagawang pagdiriwang si Satuko sa kanyang pagbabalik na siyang kinabigla niya dahil wala naman itong nababanggit sa kanya.













“Kiira…”













Napalingon siya sa kanyang likuran upang makita lamang si Shena kasama ang apat na nasa likuran nito.













Ngumiti siya sa mga ito tanda na natutuwa siyang makilala ang mga ito.












“Ikaw pala, Shena” nakangiting turan niya.













“Sila ang apat na aking tinutukoy.”













“Kinagagalak kong makita kayo” saad niya.













Agad na nagsiyuko ang apat kaya hindi niya naiwasang hindi matawa.











“Ayos lang ba kung mag-uusap tayo nang tayo lamang?” kalaunan ay tanong niya na kinalingon ng mga ito sa kanya. “Nais ko sanang makilala kayo. Maari ba?”













“Hayaan mong ipaghanda ko kayo ng silid na maari niyong magamit” ani Shena.












Tumango lang siya hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Tumingin siya sa apat na pakiwari niya ay magkagaanan na ng loob.













“Paumanhin kung wala kayong naging gabay sa loob ng limang taon” panimula niya.













“A-ayos lang po sa amin iyon, pinuno” utal na turan ng isang babae.












Napatawa siya ng marahan sa narinig.












“Hindi mo na ako kailangan kausapin pa na mayroong po sa iyong pagsasalita” nakangiting saad niya. “Sa tingin ko ay hindi naman nalalayo ang inyong edad sa akin.”












“Masusunod, pinuno” ani ng isa pang babae.













“Nakahanda na ang silid” ani Shena nang makabalik. “Naipagpaalam ko na rin kay Tito Satuko ang patungkol rito.”












“Maraming salamat, Shena” pasasalamat niya rito.













Yumuko lang ito sa kanya at itinuro ang daan. Hindi niya maitatanggi na natutuwa siya sa tuwing tinatawag nitong Tito si Satuko.













“Dito ang silid na aking inihanda” ani Shena nang huminto sila sa isang pinto.













“Sumama ka rin sa loob, Shena, gayong makakasama ka namin sa tahanan na nakalaan sa bawat pangkat” turan niya na tinanguhan lang nito.












Nauna na siyang naupo sa pang-isahang sopa habang tumayo sa gilid niya si Shena at naupo sa pahabang sopa ang apat.













Pansin niya na tahimik ang dalawang lalaki habang tila kabado ang dalawang babae. Palaisipan sa kanya kung paano natanggap ng mga ito ang kanyang mahika.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें