Kabanata Siyam

47 5 0
                                    

Muli siyang humarap sa kanyang mga kaibigan na kapwa nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya.












“Ate Kiira? Ikaw ba… talaga ‘yan?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Laito.












Unti-unti siyang ngumiti sa mga ito bago nagsalita.












“Kinagagalak kong makita kayo muli, aking mga kaibigan” nakangiting turan niya.












Nagsimulang humagulgol si Laito at tumakbo palapit sa kanya. Tatangkain na rin sana nina Michie na makarating sa kinaroroonan niya nang bigla na lamang humarang ang apat sa harapan niya na tila pinoprotektahan siya.












“Walang sinuman sa inyo ang maaaring makalapit sa aming pinuno” seryosong saad ni Sanho.












“Subukan niyong lumapit at hindi kami magkakamaling kalabanin kayo” ani naman ni Nagura.












“Manatili kayo sa inyong mga pwesto kung nais niyo pang mabuhay” ani naman ni Ranna.












“Dadaan muna kayo sa amin bago sa aming pinuno” ani naman ni Nikori.












Tila naestatwa sa kanya-kanyang pwesto ang mga kaibigan niya sa ginawa ng apat.












“Huwag niyo kaming haharangan” ani Saki.












“Paanong hindi namin kayo haharangan? Batid namin na pinupuntirya ninyo ang aming pangkat dahil lamang sa maling akala” segunda naman ni Sanho.












Magsasalita na sana si Sachie nang sumingit na siya sa mga ito.












“Itigil niyo na ang inyong pagtatalo” saad niya at tumingin sa apat. “Hindi niyo kailangang mangamba gayong sila ay aking mga kaibigan.”











Kapwa nagsiayos ang apat at muling tumabi sa kanya. Itinaas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap ay tila naging bago ang kanyang kasuotan lalo na ang kanyang kapa na nasira.












Humarap siya kina Saki at ngumiti.












“Ipagpaumanhin niyo ang naging aksyon ng aking mga kasama. Hindi lamang nila nais na ako ay masaktan” saad niya.












Walang nagsalita ngunit mabilis na nagtungo si Laito sa kanyang harapan at mabilis siyang niyakap, kaya niyakap niya rin ito pabalik.












“Ikaw nga si Ate Kiira. Buhay ka nga” ani nito habang humihikbi.











“Paumanhin kung ikaw ay naiwanan ko” bulong niya rito.












Umiling-iling ito at mas niyakap pa siya ng mahigpit. Napatingin siya kay Michie na lumuluha na rin. Hindi na siya nagtaka pa nang yumakap rin ito sa kanya habang yakap niya si Laito.












“Lubos ka naming inaalala sa mga panahon na ikaw ay nahimlay. Hindi ko alam na ikaw ay buhay nga” ani Michie.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now