Kabanata Pito

44 4 0
                                    

Nakaayos ang pila nang lahat ng bawat pangkat habang nasa unahan ang bawat pinuno at nagsasalita si Satuko sa harapan.












Nanatiling tahimik lamang si Kiira sa kanyang pwesto at piniling makinig na lamang.












“Muli na naman tayong sasabak kaya kinakailangan nating magdoble ingat ngayon dahil alam niyo kung gaano karami ang ilalabas ng ating kaaway ngayon” ani Satuko. “Nais kong maging handa kayong lahat at tulungan ang bawat isa kung kinakailangan.”











Pumikit siya at nagbigkas ng enkantasyon sa kanyang isip upang maproteksyunan ang mga ito at mabigyan ng karagdagang lakas ang bawat sandata ng mga ito.











Sa kanyang pagdilat ay siyang paglisan ng bawat pangkat upang sumakay sa naglalaking sasakyan na kakasya ang bawat isa.












“Kiira…”












Napatingin siya kay Satuko na siyang tumawag sa kanya.











“May kailangan ka, Tito Satuko?” tanong niya rito.











“Ang iyong pangkat ay tutungo sa ibang direksyon” ani nito.












Napakunot ang noo niya ganoon din ang apat na nasa likuran niya.











“At saan kami tutungo?”











“Sa tahanan ng mga Yamashi.”












Napakurap-kurap siya upang masigurado na tama ang kanyang narinig. Nang hindi ito magsalita ay naglakas loob siyang tanungin ito.












“Bakit doon kami tutungo?” tanong niya rito.












Napabuntong hininga ito at hinawakan ang kanyang dalawa kamay.












“Ang aking mga pamangkin ay kahaharapin ang isa sa malakas na fera belua. Batay sa nakalap na impormasyon ng aking mga tauhan ay hindi basta-basta lamang ang makakalaban ng mga ito” saad nito na puno ng pag-aalala. “Alam ko na hindi ka pa handa ngunit hindi ko nais na mapahamak ang dalawang iyon. Tutungo rin roon ang iyong mga kaibigan upang tulungan ang mga ito ngunit alam ko na balewala ang lakas ng mga ito.”











Napapikit siya ng mariin at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin rito.












“Naiintindihan ko. Kami na ang bahala sa kanila” paninigurado niya rito habang bahagyang nakangiti.












“Salamat, Kiira” sabay yakap nito sa kanya. “Mag-iingat kayo roon.”












Tumango siya rito bago humiwalay. Humarap siya sa kanyang mga kasama na agad nagsitanguhan.











Mabilis silang nagtungo sa kanilang sasakyan ay agad iyong pinausad ni Sanho na siyang nagmamaneho.












Sa bawat daan na nadadaanan nila ay napupunuan iyon ng mga sirang tahanan at kagamitan. Hindi niya inaasahan na ganoon ang pinsalang magagawa nito.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now