Kabanata Tatlumpu't Tatlo

26 4 0
                                    

Panay ang hasiwas ni Akurio sa latigong nakarugtong sa kanyang daliri upang patumbahin ang kanyang mga kalaban.













Sa nakalipas na isang buwan ay nagsunud-sunod ang pag-atake ni Azula.













Ngunit sa ngayon ay tila digmaan na ang nangyayari dahil sa dami ng kanilanh sinasagupa.













“Yoshiro!” sigaw niya sa pangalan ng kasama na mabilis lumingon sa kanya.













Tumango ito at mabilis na nagtungo sa kanyang tabi bago nila sabay na inilapat ang kanilang palad sa lupa dahilan upang gumawa iyon ng matinding pwersa.













“Ano ang iniisip ni Azula at tila isa nang digmaan ang nagaganap ngayon?” nagtatakang tanong ni Yoshiro.













“Hindi ko rin batid ang kanyang iniisip. Sigurado ako na may malaki itong pinaplano” saad niya.













Hindi lamang mga fera belua ang kanilang nakakaharap. Maging ang ilang mga alas ni Azula na mayroong mababa at mataas na rangko ay kasalukuyang kanilang kinakaharap kasama ang ilang kasapi nito na nagpanggap noon na grupo ni Kiira.













Habang abala sa pakikipaglaban ay hindi niya naiwasang mapadako ang tingin kay Kiira na siyang nakikipaglaban rin.












Napapangisi na lamang siya dahil tila nadagdagan ang kaalaman nito sa pakikipaglaban.













“Kung titignan mo nga naman ang pagkakataon.”













Muli siyang napatingin sa kanyang harapan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.













“Narito ka rin pala, Kideo” nakangising turan niya rito.













“Katuwa-tuwa namang isipin na naaalala mo pa pala ang aking pangalan” nakangisi ring turan nito.













Hindi siya kumibo at tinitigan lang ito. Tumawa ito ng malakas na tila may katuwa-katuwa sa kanyang ginagawa.













“Hindi mo ako kailangang titigan ng gan’yan, Akurio. Ang isipin mo ay ang mangyayari sa binibining iyong minarkahan” nakangising turan nito.













Tumingin siya sa gawi ni Kiira at kaharap nito si Levita na siyang hindi niya kinatutuwang makita.













“Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari kung matuwa nang husto si Levita sa kanya? Paniguradong makikita ko ang nagluluksang Akurio sa mga oras na iyon” ani nito.













Isang mapang-asar na tawa ang lumabas sa kanyang labi na siyang kinawala ng ngisi nito.













“Hindi ko akalaing magaling kang magpatawa, Kideo” natatawang turan niya.













Nakita niya ang pagkuyom nito ng kamao dahil sa kanyang sinabi. Ramdam niya rin ang galit sa presensiya nito.












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon