Kabanata Labing Siyam

30 4 0
                                    

Unti-unting iminulat ni Kiira ang kanyang mga mata.












Bumangon siya at tanging malaking dahon lamang ang kanyang hinihigaan ang ang isang kapa na alam niyang kay Akurio.











Tatayo na sana siya nang may maanigan siyang bulto hindi kalayuan sa kanya.













Doon niya lang napansin na nasa loob sila ng kweba.












“Akurio?” pagtawag niya rito.












Kasalukuyan itong nakasandal sa gilid ng kweba at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag upang maanigan niya ang bulto nito.












Doon niya rin napagtanto na hindi pa sumisikat ang araw.












“Maayos na ba ang iyong lagay?” tanong nito sa kanya nang hindi lumilingon.













Pinakiramdaman niya ang sarili at nang wala naman siyang ibang maramdaman ay sumagot siya.













“Maayos na ang aking lagay. Salamat sa iyo” saad niya.












Maya-maya pa ay mabilis siyang napatayo at nanlalaki ang matang nagtungo sa kinaroroonan nito saka ito iniharap sa kanya.












“Anong nangyari—”












Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang makita niya ang marka sa leeg nito.












Ito ang marka sa aking leeg. Anang isang bahagi ng isip niya.












“Ano ang iyong gagawin?” takhang tanong nito nang lumapit siya rito ng kaunti.












“Pahihilumin ko ang iyong sugat” saad niya.












“Paano—”












“Magtiwala ka na lamang sa akin” pagsingit niya rito.












Hindi naman na ito kumibo pa kaya inumpisahan niya na ang dapat na gawin. Tulad ng ginawa niya kay Feria noon ay ganoon din ang ginawa niya rito.












Narinig niya ang impit na pag-ungol nito sa sakit na nararamdaman ngunit nakokontrol naman nito iyon.












Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tuluyan niyang maalis ang marka sa leeg nito.












“Ayos ka na ba?” may pag-aalalang tanong niya rito hbang hinahabol nito ang paghinga.












Tumango lang ito sa kanya kaya bahagya siyang napangiti.












Tumabi siya rito ng upo at pansin niya na nakatitig ito sa kanya.












“Kung may nais kang alamin ay malugod ko iyong sasagutin” kalaunan ay turan niya matapos ang ilang sandali.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu