Kabanata Labing Dalawa

43 6 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Kiira sa pinakadulo ng lamesa habang seryosong nagtatala ng impormasyon si Satuko kasama ang pangkat niya at ni Saito.












Tulad ng sinabi ni Shena sa kanya noon ay makalipas ang ilang araw ay nagtala ng pagpupulong si Satuko sa bawat pangkat.












Batid kong mahalaga ang pagpupulong na ito. Anang isang bahagi ng isip niya.












Lahat ng nasa kanyang paligid ay seryoso lamang at masuyong nakikinig kay Satuko. Wala siyang makitang pangitain kaya hindi niya malaman kung ano ang mangyayari sa kanilang laban.












“Kiira…”












Napalingon siya kay Satuko at lahat ay nakatingin sa kanya na tila wala siya sa sarili.













“Paumanhin” saad niya.












Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Satuko at alam niyang batid nito na wala siya sa kanyang sarili.












“Nais mo bang magpahinga muna?” tanong nito.












Mabilis siyang umiling rito bilang sagot.












“Hindi na. Kaya ko ang aking sarili” seryosong turan niya rito.












Tumango lang ito at muling nagpatuloy. Sa nakalipas na araw ay nagagamit niya ang kanyang kapangyarihan kaya batid niyang nababawasan ang kanyang lakas.












“Mamaya bago sumapit ang liwanag ay lilisanin ninyo ang lugar na ito at tutungo sa lugar na iyon kasama ang ibang pangkat. Huwag na huwag kayong maghihiwalay, naiintindihan ba?” ani Satuko.












Sumagot naman kaagad ang mga ito hanggang sa umalis si Satuko at sila na lamang ang naiwan.












“Panigurado na malakas ang nasa sentro kaya doon tayo inilagay ni ama” ani Sachie sa sinabi ng ama nito na si Satuko.












“Marahil nga ay hindi basta-bastang fera belua ang ating makakaharap” segunda naman ni Michie.












“Maliban nalang kung hindi isang fera belua ang ating makakaharap” biglang singit niya sa seryosong boses na kinalingon ng mga ito sa kanya.












“Ano ang inyong ibig sabihin, pinuno?” takang tanong ni Niroki sa kanya.












Nagbuntong hininga siya at seryosong humarap sa mga ito.












“Katulad ng grupong Lamia may mga nakatalang pinuno sa bawat pangkat. Kung ako si Azula, hindi sapat sa akin ang mga fera belua para lamang pumaslang ng mga nilalang” paliwanag niya.












“Kung ganoon ay may malalakas itong alas laban sa atin” ani Saki.












“Tama” sagot niya. “Duon tayo inilagay sa sentro dahil naroroon ang mga alas ni Azula na sadyang hindi magagapi ng tanging sandata lamang ang gamit” dagdag pa niya.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now