Kabanata Dalawampu't Pito

29 4 0
                                    

Sa pagpasok pa lamang ni Kiira sa isang lagusan na kanyang ginawa gamit ang kanyang mahika ay bumungad na sa kanya ang mga matatayog na puno.













Mula sa kanyang kinatatayuan ay makikita ang kulay pulang liwanag na nakalutang sa ere.













Ito na nga ang lugar na iyon. Anang isang bahagi ng kanyang isip.













Nagsimula siyang maglakad sa makahoy na daan hanggang sa makita ang malaking espasyo ng bundok ng Mapulaan.













Huminga siya ng malalim nang makita ang isang kweba. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang kweba na iyon dahil nanggaling na siya roon.












Naglakad siya patungo roon hanggang sa makarating sa bukana ng kweba.













“Akurio?” pagtawag niya rito ngunit wala siyang nakuhang sagot.













Mahilig itong nakaupo sa bukana ng kweba. Anang isang bahagi ng kanyang isip. May pinuntahan ba ito?












Pumikit siya at sinubukang pakiramdaman ang presensiya nito ngunit nabigo siya.












“Nandirito ka ba, Akurio?” muling saad niya.













Tulad ng nauna ay wala siyang nakuhang sagot.













Huminga muna siya ng malalim bago niya inihakbang ang kanyang mga paa papasok sa kweba na iyon.












Batid niya na wala siyang kaalam-alam kung ano man ang nasa loob ng kweba na iyon ngunit wala siyang pagpipilian.













Ginagamit niya ang ginawang mahika sa kanyang palad upang magsilbing liwanag.














Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mahihinang ungol na tila nakakaramdam ng sakit.













Walang anu-ano na sinundan niya ang tunog na iyon kahit na hindi niya alam kung ano iyon.












“Akurio?” pagtawag niya muli rito.













“Anong… ginagawa mo rito?”












Napatingin siya sa kanyang kanang bahagi. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.














“Akurio!” pagbigkas niya muli sa pangalan nito na may kalakasan bago nagtungo sa kinaroroonan nito.













Mabilis na nagsagawa siya ng mga bilog na liwanag upang magsilbi nilang liwanag.













“Akurio, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya rito habang nakahawak sa dalawang balikat nito.













Bumaba ang kanyang tingin sa braso nito at kitang-kita niya ang kulay asul na marka sa kamao nito paitaas.












Pamilyar siya sa marka na iyon.












“Akurio…” mahinang bigkas niya sa pangalan nito.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now