Kabanata Apatnapu't Isa

33 4 0
                                    

Nag-aabang si Kiira sa pagdating ng kanyang pangkat. Hindi siya mapakali at namamawis ang kanyang mga kamay.











Isang linggo na ang nakakalipas nang huli nilang pagkikita ni Akurio at sa nakalipas na araw na iyon ay hindi ito nagpapakita ni anino nito.











“Nandirito na sila” ani Saki na nagpaangat ng kanyang tingin.










May mga pumaradang sasakyan sa kanilang harapan. Isa-isang ibinaba roon ang mga sugatan.











Bahagyang napaawang ang kanyang labi nang makitang inaalalayan ni Sanho si Ranna na kapwa sugatan.











“Sanho… Ranna…” bigkas niya sa pangalan ng mga ito.











Sa sandaling iyon ay alam na niya ang nangyari.











Napayuko ang mga ito na puno ng lungkot ang mga mata.












Itinaas ni Sanho ang palad nito at lumitaw roon ang mahikang nakalaan kina Niroki at Nagura na kanyang kinuha.











“Maari ko bang mahiram ang iyong salamin, Ranna?” ani niya rito.











Tumango ito at mabilis na ibinigay sa kanya ang salamin nito.











Ginamit niya ang kanyang mahika upang makita ang tunay na nangyari. Hanggang sa matapos iyon ay tila nanlambot ang kanyang mga paa.












Hindi siya makapaniwala na si Mihiko ang pumaslang sa dalawa. Nakita niya kung paano nito walang awang pinaslang ang dalawa na ibinigay ang lahat.











“Kiira…” mahinang pagtawag sa kanya ni Michie.











Kusang naglaho ang salamin sa kanyang mga palad kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.












Mabilis niya iyong pinunasan at lumapit kita Sanho at Ranna.












“Kinagagalak kong makita na ligtas kayo. Mabuti pa ay magtungo na kayo sa silid ng paghihilom upang magamot ang inyong mga sugat” malumanay na turan niya rito.











Tumango ang mga ito bago naglakad. Inalalayan ito ng iba matapos nitong maglakad palayo sa kanya.












“Ate Kiira…” pagbigkas ni Laito sa kanyang pangalan.












Huminga siya ng malalim bago ngumiti sa mga ito.











“Paniguradong muling maglalapit ang mga panahong ganito kaya kailangan nating maghanda” ani niya.











Handa na sana siyang magsalita muli nang bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang t’yan.












Bigla iyong kumirot sa hindi niya malamang dahilan.











“May masakit ba sa iyo, Kiira?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Saki.











Nakalapit na rin ang iba sa kanya na puno ng pag-aalala ang mga mukha.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz