Kabanata Dalawampu't Lima

28 4 0
                                    

Isang mapaglarong ngisi ang makikita sa labi ni Akurio habang nakatingin sa kanya ang lahat.












Napatingin siya kay Kiira nang marinig niya ang mahinang pagbigkas nito sa kanyang pangalan.













Palihim na namuo ang galit sa kanyang dibdib nang makita ang kalagayan nito. Batid niya na hindi pa ito tuluyang malakas kaya batid niyang matatalo lamang ito kapag nakaharap nito si Azula.













Mukhang may kailangan akong tapusin. Anang isang bahagi ng isip niya.













Naglakad siya palapit kay Kiira na siyang nakatingin din sa kanya. Nang makarating sa harapan nito ay bahagya siyang umupo upang mapantay rito.













Iniangat niya ang kanyang kamay at marahan iyong inihaplos sa pisngi nito.












“Alam niyo ba ang kapalit sa ginawa ninyo sa aking pag-aari?” tila mapatindig balahibong turan nito.













“Akurio…” bigkas muli ni Kiira sa kanyang pangalan habang tumulo ang isang butil ng luha sa mata nito. “Paumahin kung nadismaya kita sa mga pagsasanay na aking ginawa.”













Nanatili ang ngisi sa kanyang labi. “Sapat na ang iyong mga ginawa.”












Iniangat niya ang ulo nito sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba nito. Pinagsalubong niya ang mga mata nilang dalawa.













“Pinahanga mo ako, Kiira” kalaunan ay turan niya.













Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata nito ngunit kalaunan ay ngumiti at hinawakan ang kanyang kasuotan na malapit sa kanyang kamay.













Batid niya na umiiyak ito na siyang nagpakulo lalo ng kanyang galit.












Tumayo siya at nagtama ang mata nila ng mga kasama nito. Hindi na siya nagtaka nang bahagyang mapaatras ang mga ito sa kanyang anyo.












Tumalikod siya at humarap sa apat na alagad ni Azula.













Muli niyang sinilip si Kiira na nakayuko pa rin at umiiyak.













“Hayaan mong ako ang maghiganti para sa iyo” ani niya bago naglakad palayo rito.













Ilang milya nalang ang layo niya sa apat nang huminto siya. Nanatili ang kaseryosohan sa kanyang mukha.












“Paano nalang kung mawawala kayo sa mahika ni Azula? Paniguradong parurusahan kayo ni Habue sa pagtaksil ninyo sa kanyang parusa sa inyo” ani niya.












Ang apat na nasa kanyang harapan ang ang dating kasapi ng kanyang ina.












“Batid kong alam ninyo ang kaya kong gawin gayong kilalang-kilala ninyo ang aking ina. Batid niyo naman siguro ang kapangyarihan ng bathala ng mga Akuma, hindi ba?” ani niya habang nakangisi.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now