Kabanata Tatlumpu't Isa

28 3 0
                                    

Sa isang matayog na puno sa bundok ng Peneya ay nakasandal roon si Akurio na patuloy na iniinda ang sugat na kanyang natamo.












Hindi katulad ng kanyang mga natatamong sugat ay naging mahirap sa kanya na paghilumin iyon ng mag-isa.












“Hindi ko akalaing ikaw ang gagawa nito sa akin, Levita” bulong niya sa hangin.













“Sabi na nga ba at dito kita matatagpuan kung wala ka sa bundok ng Mapulaan.”












Napatingin siya sa kanyang kanang gawi nang marinig ang boses na iyon.












“Anong ginagawa mo rito, Kiira?” walang buhay na tanong niya rito.












Hindi ito nagsalita at naglakad lamang palapit sa kanya.












Nang makarating ito sa kanyang harapan ay umupo ito sa madahong lupa kaharap niya.













“Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?” muling tanong niya rito.












Tila napigti ang kanyang hininga nang pagsaklupin nito ang kanilang mga palad.












“Patawad” ani nito habang nakayuko. “Patawad kung nagawa kitang daanan lamang na tila hangin” ani nito at nag-angat ng tingin. “Patawad, Akurio.”












Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang luha sa mga mata nito.












Sa tanang buhay niya ay walang gumawa ng ganoon sa kanya. Ang umiyak sa kanyang harapan dahil lamang sa maliit na bagay na nagawa nito sa kanya.












“Patawarin mo ako, Akurio” muling usal nito.













“Wala kang dapat na ihingi ng tawad, Kiira, dahil wala namang dahilan upang humingi ka ng tawad sa akin” saad niya.












“Ngunit—”













“Wala tayong ibang ugnayan maliban sa kailangan natin ang isa’t isa, Kiira” pagputol niya sa sasabihin nito.













Hindi niya alam kung tama ang kanyang nakita ngunit nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.












Napayuko ito at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.













“Batid ko naman ang bagay na iyon, Akurio, ngunit bakit masakit na marinig iyon mula sa iyo? Bakit kailangan mo pa iyong sabihin sa akin ng harap-harapan?” ani nito.













Hindi siya nakakibo at bahagyang nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang sinabi. Hindi niya mawari kung bakit lumalabas ang mga emosyong hindi niya pa naipakita sa iba tuwing ito ang kaharap niya.













Nagbuntong hininga siya at itinaas ang isa niyang kamay na hindi nito hawak.













Iniangat niya ang mukha nito upang makaharap niya ito. Walang imik na pinunasan niya ang pisngi nito na puno ng luha.












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now