Kabanata Apatnapu't Apat

37 5 0
                                    

Tumigil si Akurio sa kanyang paglalakad mula sa kanyang paglalakbay. Ilang araw na rin siyang naglalakbay ngunit ganoon pa rin ang mga nangyayari.













Nababalutan ng dilim ang buong paligid at tanging liwanag mula sa apoy ang nagsisilbing liwanag.














Dama niya ang init sa kanyang paligid kahit na isa na siyang kaluluwa.














Matapos niyang pumanaw ay agad niyang nakita si Habue na tila hinihintay ang kanyang pagdating.














Tumingin siya sa orasang hawak at muling napabuntong hininga.














Hanggang kailan ako maglalakbay sa lugar na ito? Tanong na nabuo sa kanyang isipan.














Sa kabila ng haba ng kanyang paglalakbay sa walang humpay na daan ay muli siyang nagpatuloy.














Napatigil siya ilang saglit nang makaramdam ng kakaiba. Ilang segundo lamang ay mayroong lumilipad na palaso ang patungo sa kanyang kinaroroonan.













“Magpakita ka!” sigaw niya nang makaiwas sa atakeng iyon.













Ilang saglit lamang ay lumitaw ang dalawang naglalakihang nilalang sa kanyang katawan.














“Ano ang pakay ng isang akuma na kagaya mo sa lugar na ito?” Tanong ng lalaki na nasa kaliwa.














“Kung ninanais mong makuha ang nasa loob ng silid na nasa aming likuran ay inuunahan ka na namin. Hindi mo ito mapapasok nang hindi humaharap sa amin” ani naman ng babae sa kanan.














Isang ngisi ang lumitaw sa kanyang labi.














“Inaasahan ko na ang bagay na iyan” ani niya at sumugod sa mga ito.













Nagtaka siya nang walang mahika na lumabas sa kanya.













Anong nangyayari? Bakit hindi ko magamit ang aking kapangyarihan? Mga tanong na nabuo sa kanyang isipan.















“Isa ka na lamang kaluluwa, akuma. Ang iyong kapangyarihan ay kailanman ay hindi magagamit sa mundo ng mga masasamang kaluluwa” ani ng lalaki.














Napaigting ang kanyang panga at walang nagawa kung hindi ang gumawa ng ibang paraan.













“Kung ganoon ay gagamit ako ng dahas upang makapasok sa silid na iyan” saad niya.













Hindi sumagot ang dalawa ngunit agad siyang pinigilan sa kanyang pag-atake.













Napaigik siya nang maihagis siya sa sementadong dingding at dama niya ang sakit kahit na isa siyang kaluluwa.













“Tandaan mo, Akurio. Ang mga kasalukuyang nagbabantay sa silid na iyon ay mga dating magigiting na bathala.”













The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now