Kabanata Labing Apat

38 5 3
                                    

“Sabi na nga ba na mangyayari ito.”













Napalingon si Kiira kay Satuko na siyang nakatabi na sa kanya. Inalalayan rin siya ni Shena at sinusubukan na pagalingin ang kanyang sugat.













“Alam mo ba na mangyayari ito, Tito Satuko?” tanong niya rito.












Puno ng pagkadismaya na humarap ito sa kanya.












“Paumanhin sa aking paglilihim, Kiira” saad nito.












“Ano ang ibig sabihin nito, Tito Satuko? Paanong isa rin siyang Yamashi?” puno ng kalituhan na tanong ni Saito.













Napabuntong hininga si Satuko at handa na sanang magsalita nang magsalita ang nagpakilalang Akurio.












“Ikaw ba si Saito?” ani nito na may ngisi sa labi. “Nakuha mo rin pala ang anyo ni ama gayon din sa iyong nakababatang kapatid na si Laito. Kay tagal ko rin kayong inusisa habang ako ay namamalagi sa malayong lugar.”












“Kung ganoon ay bakit ka nagpakita ngayon? Hindi namin alam na mayroon pa kaming kapatid” seryosong tanong ni Laito rito.












Tumingin ito kay Satuko. “Hindi mo pala ako naikukuwento sa kanila, Satuko. Isa itong pagkadismaya.”












“Nakikiusap ako, Akurio. Lisanin mo na lamang ang lugar na ito” ani Satuko.












Mas lumaki lamang ang ngisi nito at tumingin sa kanya na siyang nagpapitlag sa kanya.












“Paano ko lilisanin ang lugar na ito kung nasa harapan ko na ang aking hinahanap?” ani Akurio habang nakatingin sa kanya.












Napalunok siya dahil hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Para bang kilala siya nito ng buong-buo.












“Huwag kayong mag-usap na para bang wala ako rito” may galit na turan ni Azula.












Aatake na sana ito ngunit lahat sila ay napasinghap nang sa isang iglap ay humiwalay ang ulo nito sa katawan nito.













“Wala akong oras sa mapagpanggap na kagaya mo” ani Akurio sa seryosong boses.












Unti-unting nagpakita ang tunay na anyo ni Azula at totoo ang sinabi nito na isa itong mapagpanggap.












Hindi ito si Azula. Anang isang bahagi ng isip niya.












“Ramdam kong mas malakas siya kumpara sa kanyang mga kapatid” saad niya na tanging sila lamang ni Shena ang makakarinig.











“Sang-ayon ako sa iyong sinabi, Kiira. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa kanya” ani Shena.












Napasinghap siya nang sa isang iglap ay nasa harapan na niya si Akurio. Hinawakan nito ang kanyang baba gamit ang daliri nito at pinaharap rito.











The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now