Kabanata Apatnapu

34 4 0
                                    

Nang makabalik ang lahat sa kampo ni Kiira ay inasikaso niya ang mga sugatan.













Nagpadala rin si Asula ng ilang mahikera at mahikero na may alam sa paghilom ng mga sugat.













“Kiira…”













Napalingon siya sa kanyang likuran nang makita sina Saki roon.













“May balita na ba sa pinagagawa ko?” tanong niya rito.














“Mas makabubuti kung magpapahinga ka muna. Hindi pa tuluyang naghihilom ang iyong mga sugat” ani Saki.













Ngumiti siya sa mga ito upang ipakita na maayos lamang siya.













“Kahit papaano ay ayos na ako kaya hindi niyo na kailangang mag-alala pa” saad niya rito.














“Ngunit—”













Napatigil ito sa pagsasalita nang bigla na lamang sumulpot si Yoshiro. Simula nang malaman niya na kilala ito ni Akurio ay hinayaan niya na makapasok ito sa kanilang kampo.













“Ano at naparito ka, Yoshiro?” tanong niya rito.













“Naparito ba si Akurio?” balik tanong nito sa kanya.













Agad na nangunot ang kanyang mga noo dahil sa naging tanong nito.














“Si Akurio? Ano naman ang gagawin niya upang magtungo rito?” takhang tanong niya rito.













Napabuntong hininga na lamang ito at tumalikod. “Mauuna na ako.”













“Sandali—”














Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang tuluyan itong maglaho.














Hindi niya rin batid ngunit nakaramdam siya ng pag-aalala para rito.












“Pumapayag na kami” ani Saki na siyang nagpalingon niya rito.













“Huh?” takhang tanong niya.














Ngumiti ito habang ngumiti rin ang kanyang mga kaibigan na kasama nito.













“Naisip namin na alam mo na ang iyong mga ginagawa kaya napagpasyahan naming hindi ka na namin pipigilan pa kung naisin mo mang makita si Akurio” ani Saki.













“Mga kaibigan mo kami kaya nais namin na maging masaya ka” ani naman ni Michie.













“Paumanhin rin sa aking mga nasabi at nagawa” giit naman ni Saito. “Hayaan mo at susuportahan ka namin ano man ang mangyari.”













Isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata dahil sa nadaramang saya.













Niyakap niya ang mga ito ng pabalik nang yakapin siya ng mga ito.












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now