Kabanata Apatnapu't Tatlo

34 4 0
                                    

Malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ni Kiira nang sobra na ang sakit na kanyang nararamdaman.













Anumang oras ay maisisilang na niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan ngunit tila hindi iyon madali tulad ng kanyang inaasahan.














“Kinakailangan na nating magsagawa ng agarang desisyon!” sigaw ni Saito. “Hindi natin maaring patagalin pa ang bagay na ito.”













“Hindi maari ang iyong nais, Saito. Hindi ordinaryong sanggol ang kanyang isisilang” ani naman ni Satuko.














“Kung gano’n ay anong gagawin natin?!” may galit na turan ni Saito. “Hahayaan na lamang natin na mangyari ito sa kanya? Titignan na lamang natin siya na tila ba hindi natin naririnig ang hinaing nito?”














“Kumalma ka, Saito” pagpapakalma rito ni Shami.













“Paano ako kakalma kung ganito ang nangyayari?” muling asik ni Saito.















Napatingin sila kina Abuerde at Asula na siyang pumasok sa silid. Ito ang kasalukuyang magpapaanak sa kanya.














“Walang pagpipilian kung hindi ang gamitan ng mahika ang gagawing pagpapaanak rito” ani Asula.














“Masyadong malakas ang enerhiya nang nasa sinapupunan nito. Hindi ito kakayanin na normal ang pagsasagawa” ani naman ni Abuerde.














“Nakikiusap ako…” nahihirapang turan niya na kinalingon ng mga ito sa kanya. “Panatilihin niyong ligtas ang aking anak.”















Sa sandaling iyon ay tumulo ang isang butil ng luha sa gilid ng kanyang mata.














Sa oras na iyon ay lumapit ang dalawang mangkukulam sa kanya. Nagtinginan muna ang mga ito bago tumango sa isa’t isa.















Sa sandaling iyon ay kapwa itinaas ng dalawa ang kani-kanilang kamay kasabay ng pagliwanag niyon.















Tila hinahalukay ang kanyang kalamnan ngunit hindi niya magawang makagalaw. Ang kanyang sigaw ay tila kay hina sa kanyang pandinig.














Ang salita ng mga ito ay tila bulong na lamang sa sobrang hina.














Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan niyang marinig ang mahinang iyak ng isang sanggol.















Kasabay niyon ay kusa nang nagliwanag ang kanyang pandinig.














“Isang masiglang lalaki ang kanyang isinilang” ani Abuerde na kasalukuyang hawak ang kanyang anak.














Sinubukan niyang itaas ang kamay na natagtagumpayan niya naman.














Nakangiting iniabot nito ang anak sa kanya. Sa sandaling iyon ay isang ngiti ang lumitaw sa kanyang labi kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mata.












The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now