Kabanata Apatnapu't Dalawa

29 4 0
                                    

"Akurio..."












Hindi lumingon si Akurio sa pagtawag ni Yoshiro sa kanyang pangalan.












Nakatanaw lamang siya habang nakatayo sa tanawin sa bundok ng Mapulaan.












Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Yoshiro hanggang sa magbuntong hininga ito.












"Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong supling sa sinapupunan ni Kiira" panimula nito. "Nuong una ay akala ko ay walang katotohanan ang iyong sinabi na hindi kayo nagkita ni Kiira."













"Kung ganoon ay nagkaroon ka ng pagdududa" turan niya habang nakatingin sa tanawan.













"H-hindi naman sa ganoon. Kailanman ay hindi ko magagawang pagdudahan ang isang gaya mo" ani nito.












Tumingin siya rito habang wala pa ring emosyon na makikita sa kanyang mukha.












"Hindi ko lamang akalain na magagawa mong maglihim sa akin. Batid mo naman na kasama mo ako simula nang sanggol ka pa lamang" saad nito.












"Hindi mo naman kailangan na malaman ang lahat ng aking gagawin, Yoshiro" turan niya rito.













Bumaba ang kanyang tingin sa kamay nito na ngayon ay nakakuyom. Bumalik ang kanyang tingin sa mukha nito at agad nitong pinalitan ang emosyon na kanyang nasaksihan.














Bahagya itong ngumiti at humarap sa kanya. "Tama ka. Paumanhin sa aking panghihimasok."













Hindi siya sumagot sa sinabi nito hanggang sa bigla na lamang sumulpot si Mayasi.













"Anong ginagawa ng isang bathalumang ito sa lugar na ito?" asik ni Yoshiro rito.













"Maghinay-hinay ka sa iyong sinasabi. Isang bathaluman ang iyong kaharap at hindi lamang isang ordinaryong nilalang" ani Mayasi rito.












Hindi tulad ng dati na may ngiti sa mga labi nito, ngayon ay napakaseryoso ng mukha nito.













"Ano ang iyong ipinunta rito, bathaluman?" tanong niya rito.












Hindi ito magtutungo sa kanya nang walang dahilan lalo na sa nakikita niya sa kaseryosohan ng mukha nito.












"Ipinatatawag ka ni bathalang Habue" sagot nito.













Napatingin sila kay Yoshiro nang humarang ito sa kanyang harapan.













"Hindi sasama sa iyo si Akurio. Dadaan ka muna sa akin bago mo ito maisama sa iyo" ani Yoshiro rito.












"Hindi mo alam ang iyong sinasabi, akuma" ani Mayasi.












Magsasalita pa sana si Yoshiro nang ilapat niya ang kanyang palad sa balikat nito na siyang kinalingon nito sa kanya.













The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now