ESPESYAL NA KABANATA - ANG PAGBABALIK NI AKURIO

27 4 0
                                    

Ang Pagbabalik ni Akurio

Matapos ang digmaan ay minabuti ng lahat na magtungo sa bundok ng Asuwales kung saan mabilisna binigyan ng lunas ang lahat ng may mga sugat.





Samantalang hindi niya maiwasang hindi mag-alala nang naisin ni Akurio na maghiwalay ng landas na kanilang tutunguhin.





“Kiira…”





Napalingon siya sa kanyang gilid at nakita roon si Abuerde na hawak ang kanyang anak.





Mabilis na binuhat niya ang kanyang anak na agad namang kumapit sa kanya.





Hindi siya nagsasalita habang marahang hinahaplos ang likod nito.





“Nais mo ba siyang puntahan?” nakangiting tanong nito sa kanya.





Batid ang lungkot sa kanyang mga mata kahit na siya pa ay bahagyang nakayuko.





Narinig niya ang pagbuntong hininga nito na siyang kinalingon niya rito.





“Ano pa ang iyong kinababahala, Kiira?” tanong nito sa kanya. “Batid ko, namin, na kailangan niyong mag-usap na dalawa. Hindi namin nais na makita ang emosyon na iyong ipinakita nang siya's lumisan sa mundong ito.”





“Hindi ko lamang kayang tanggapin ang kanyang gagawin sa oras na kami ay muling nagkita” pag-amin niya rito.





Nakayuko na siya habang pinipigilan na mapahikbi dahil sa kaalamang buhat niya ang kanyang anak.





“Bakit hindi mo subukan bago ka sumuko? Nais mo bang sayangin ang pagkakataong ito at muling magpanggap na masaya? Nais mo bang hindi magkaroon ng pamilya kasama ito at ang inyong anak?” mga tanong nito sa kanya.





Hindi siya kumibo at nanatiling tahimik. Pilit na sinusubukang pigilan ang paghikbi.





“Masaya kami at natapos na rin ang digmaan na ito na matagal nang iniiwasan ng lahat. Kahit na batid ng lahat ang digmaang magaganap dahil kay Azula ay pinili nilang magbuwis ng buhay upang ipaglaban ang dapat na ipaglaban” ani nito.





“Kung kaya ko lamang silang muling buhayin ay gagawin ko ngunit…” hindi na niya matapos pa ang sasabihin.





“Iyong alalahanin ang ngiting iniwan ni Ranna bago ito namaalam. Hindi mo hawak ng kanilang mga buhay, Kiira. Kahit na ano pa man ang iyong gawin ay hindi na mababago ang nakatakda. Kaya gawin mo na ang iyong nais na gawin habang ito ay nasa iyong harapan. Batid mo naman na nakasuporta lang kami sa iyo” mhabang litanya nito.





Nag-angat siya ng tingin at unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakangiti sa kanya ang lahat.





Unti-unting lumabas ang luhang kanyang pinipigilan dahil sa kakaibang pakiramdam na kanyang naramdaman dahil sa ngiti ng mga ito.





“Malaki ang iyong naitulong sa amin kaya ang tangi lang naming magagawa ay tulungan kang buuin ang pamilyang noon pa man ay nakalaan na sa iyo” nakangiting turan nito.




The Sorceress: Child Of The God And Goddesses (COMPLETED)Where stories live. Discover now