Capitulo Once

57 10 1
                                    

Chapter 11

KASALUKUYANG naglilibot ang mag-amigo na sina Doktor Cristobal at Gobernador Arkimedez sa kabilang bayan. Ang lahat ng nakakasalubong nila ay kanya kanya ng pagbati sapagkat maging sa bayan na iyon ay tanyag ang kanilang mahalimuyak na pangalan. Naghihintay lamang sila sa pag-labas ng kanilang ipinagkasundong magpakasal na mga anak.

"Amigo, aking nasisiguro na matutuloy na ang planong ibig na'ting mangyari" paunang wika ni Don Cristobal sapagkat kanina pa niyang napapansin na balisa ang Gobernador. Hindi rin ito mapakali sa kulay gintong baston na hawak-hawak.

Tumango na lang si Gobernador Arkimedez bilang pagtugon. "Ayos ka lamang ba Amigo? Mula nang mabasa mo ang nilalaman ng liham na iyan ay tila nabuhusan ka ng malamig na tubig? Iyong ipagpaumanhin, bilang isa ka sa iginagalang na Gobernador. Ngunit ibig ko muling itanong, ikaw ba'y natatakot?" hindi na napigilan pa ni Don Cristobal ang mag-usisa kung kaya't ang mga katanungan niya'y hindi niya inaasahang maisasambulat.

Napahinga na lang ng malalim ang Gobernador sabay sulyap mula sa malayo, pinagmasdan niya ang kaniyang asawa na si Donya Feliza na kasalukuyang namimili ng paynetang babagay sa kanilang suot na magarbong baro't saya. Katuwang niya si Donya Josefa sa pamimili noon na mababakas naman sa mukha ang panlulumo sapagkat sa mumurahing tindahan sila namili ng mga iyon.

Muli siyang sumulyap kay Don Cristobal at kinuha mula sa loob ng abrigong(coat) itim gamit ng isa niya pang kamay ang isang selyadong liham na hindi pamilyar sa Doktor. Bago para sa kaniya ang itsura ng selyo. Itsurang bungo ang imahe noon na gawa sa pinalambot na pamada(wax).

"A-ano iyan? Banta?" utal na tanong ni Don Cristobal dahilan upang agad na mapa-tango si Gobernador Arkimedez. "Maaaring hindi agad na'tin ito mababatid ngunit nabigo ang aking samahan na mapuksa ang banta sa ating mga hawak na kapangyarihan!" nang-gagalaiting diin ng Gobernador sapagkat isang kapalpakan ang ginawa ng kaniyang ginawang grupo.

"I-ibig sabihin, h-hindi mo na ipa-patay sa iyong binuong samahan sina---" hindi na natapos pa ni Don Cristobal ang sasabihin nang biglang nagsalita si Marina na nasa likuran na pala nila. Agad ding pinakalma ng Gobernador ang sarili upang hindi mahalata ng dalaga ang labis na pagkadismaya niya sa mga nangyayari.

"S-sinong ipina-patay?" wika nito na puno ng kuryosidad. Malambing ang tono nito kung kaya't niyakap siya ng kaniyang ama na si Don Cristobal ng mahigpit. Napatikhim na lang ang Gobernador at sumenyas kay Don Cristobal na para bang ito na ang gumawa ng paraan upang mapag-takpan ang kanilang usapan.

"Ang pinag-uusapan namin ni Amigo ay ang pagpapahanda sa dose-dosenang mga baboy, baka at kambing na ibig na ipa-patay sa inyong araw ng kasal" dahil sa sinabi nito ay mas lalong napa-ngiti si Marina.

"Hindi naman po kailangan na marami ang i-handa sa takdang araw ng kasal. Ang tangi at ibig ko lamang po ay makasama si Carlos hanggang sa ako'y tumanda" ngiti ni Marina sabay yakap sa dibdib ng ama na parang ibig ng lambing dito. Napa-ngiti na lang si Don Cristobal at hinimas ang likod ng pinaka-mamahal na anak.

"S-siya nga pala, Binibini, nasaan ang aking anak na si Carlos?" singit ng Gobernador kung kaya't napa-tingin sa kaniya ang mag-ama. "Pinuntahan po niya sina Ina at Tiya Feliza upang kaunin sapagkat masayang nagtapos ang aming pamamasyal ng aking Sinta"

Halos lumutang na sa ere si Marina sa tuwing binabanggit niya ang salitang ‘sinta’, sapagkat naroroon pa rin ang ideyang kasintahan niya na si Carlos. Napangiti na lang ng malapad ang Gobernador sabay tango, gayon na rin ang kaniyang ama na si Don Cristobal.

AGAD NA KINAPA ni Criselda sa kaniyang kulay-abong(grey) na bestida ang kaniyang panyo ngunit hindi niya ito magagap. Lumingon lingon pa siya sa paligid na dinaanan nila ni Marcela ngunit bigo siyang matagpuan ang kaniyang panyo.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now