Capitulo Veintiuno

49 5 0
                                    

Chapter 21

"GANITO ho ang tamang pagdampi ng katas ng dahon ng bayabas. Hindi po marapat na mariin sapagkat maaaring madiin lamang po ang dumi sa mga sugat."

Kanina pa si Marina nag-aalala kay Juancio. Kanina pa rin siya nagsasabi kay Aling Ofelia ng mga tamang gagawin upang hindi lalo mapasama o maimpeksyon ang natamong sugat ng binata. May kaalaman siya sa paggagamot sapagkat madalas siyang isama ng kaniyang ama sa kanilang pagamutan.

"Kayo na po muna ang bahala rito, Ginoong Vicente at Aling Ofelia." saad ni Marina sabay tayo at pinagpagan ang kaniyang puting bestida. Kasalukuyan silang nasa silid ngayon ni Marcela. Malinis ito at hindi gaanong masikip. Bukas ang bintana at maaliwalas ang kalangitan.

"S-saan ka pupunta, Ate Marina?" si Vicente na ang nagtanong. Nanatiling nagpupunas lang ang ale kay Juancio. Hindi magawang kausapin ni Aling Ofelia ang dalaga sapagkat naiilang pa rin siya rito. Idagdag pa ang isiping kasunduang kasal nila ni Carlos, matagal na niya itong nababatid.

Parati siyang napapa-isip kung anong kahahantungan ng pag-iibigan nila ni Juancio gayong tutol dito ang kanilang mga magulang kapag iyon ay natuklasan.

"Magdidikdik lamang ako ng herbal na dala ni Aling Ofelia, aking natitiyak na makakatulong iyon sa mabilis na paggaling ni Juancio" isang matamis na ngiti ang pinakawan ni Marina. Bago siya tuluyang lumabas ay hinawan niya ang kanang kamay ni Juancio na kasalukuyang nahihimbing at naka-ratay.

"Ika'y magpalakas, Iyong. Batid kong nananabik ka nang makasama muli ako sa palasyo kung saan ako ang iyong reyna at ikaw ang aking hari" himas ni Marina. Naluluha na siya ngunit pinipigilan niya iyon sapagkat nasa loob ng silid sina Vicente at Aling Ofelia na kapwa nakamasid ng palihim sa kaniya. Ngayon, kanilang nasaksihan ang tunay na pagmamahal sa pagitan ng dalawa.

"M-mauna na ho ako" wika pa ni Marina nang mamalayan ang ginawa. Marahang ibinaba ang maugat na kamay ni Juancio at dumeretso sa paglalakad upang dikdikin ang mga herbal na ibinigay ni Manang Nitang. Hindi ibig ng matanda ang lumabas sa tahanan nito.

Nang makalabas ang dalaga ay napa-tikhim si Aling Ofelia. Ibinaba niya ang hawak na batyang gawa sa kahoy na naglalaman ng pinakuluang dahon ng bayabas at puting bimpo na panlanggas sa isang mesa. Ngayon niya lamang nakaharap ng sarilinan ang bunsong anak ni Gobernador Arkimedez. Hindi niya alam kung mailalahad niya ba ng maayos ang sasabihin at kung paano sisimulan ang mga salitang kaakibat ang katanungan.

"M-may nasi po ba kayong itanong, Aling Ofelia?" si Vicente na ang nagsimula ng usapan. Napapansin niyang naiilang ito sa presensya niya kaya siya na ang unang nagbukas ng usapan. "Huwag po kayong mahiyang makipag-usap sa akin. Tulad po ng iba, kabataan lamang po akong marapat gumalang sa inyo pong nakatatanda."

"May nais sana akong tanungin, Señor Vicente. Anong nangyari dito nang magpunta kayo rito sa aming tahanan? Napansin kong balisa si Mario, tila may malalim na iniisip o nangyari bago niya ako sunduin sa bahay nina Manang Nitang at magpaiwan." tanong ni Aling Ofelia. May kuryosidad na tumatakbo sa isipan nito ngayon sa nakakapag-takang kilos ng asawa.

Napabuntong-hininga si Vicente at napalingon kay Juancio na kasalukuyang mahimbing ang tulog. May suot itong kamisong puti at may tapal ng mga dahong herbal sa mga natamong sugat. Nang masiguro na ito ay nahihimbing, saka niya lamang sinimulan ang paglalahad ng nangyaring naabutan lamang nila...

"ITANG, SABIHIN NIYO PO ANG TOTOO!" namumugto na ang mga mata ni Marcela. Hindi niya lubos maisip na may mga tinatagong lihim ang kaniyang ama. Ang buong akala niya ay mananatili itong tapat bilang kanilang haligi ng tahanan.

Samantala, nang marinig iyon nina Marina, Maricela at Vicente na naka-upo sa kalesa ay agad nila itong pinahinto sa kutsero na espiya pala ng Heneral at Kolonel. Huminto naman sa likuran ang kabayo na lulan si Carlos.

Diferente Caras de AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon