Epilogo

125 5 4
                                    

Epilogue

10 years later...

Monte Calisto, 1845

"AKING TINITIYAK na kapag dumating sa buhay namin ng aking asawa ang supling ay kukunin kita agad na ninang!" magiliw na wika ni Kristina kay Amela. Matambok na ang tiyan nito at nasa pitong buwan na ang sanggol sa kaniyng sinapupunan.

Matapos ang ilang taon lumipas ay naging matalik silang magkaibigan ni Amela simula noong bumili siya ng mga alahas sa alahasan nito noon. Ang pagkakaroon ng kasintahan, halos sabay na pagpapakasal at nagkaroon ng mga supling ay sabay nilang natunghayan. Ang mga mahahalagang bagay na dumating sa kanilang buhay ay kapwa nila nasaksihan. Itinuring na rin nila ang isa't isa na magkapatid.

Pareho silang nasa salas ng isang bagong gawang mansion na ipinagawa ng asawa ni Kristina na isang haciendero na namimili ng lupa. Nakatirik ito sa Barrio Calla kung saan ang dating kinatitirikan ng kanilang barong-barong.

Bago namatay ang kaniyang ama na si Mang Baldo ay nasilayan pa nitong nasa maayos nang kalagayan ang kaniyang unica hija. Pumanaw siya noong nakaraang taon ng mapayapa.

"Iyo ngang tiyakin sapagkat matagal na kitang itinala sa listahan ng mga ninang at ninong na dadalo sa binyag ng aking anak bukas. Marapat na ika'y dumalo!" wika ni Amela sa magiliw nitong tono. Kapwa sila tinatawag na donya kahit na nasa edad dalawampu't-siyam si Amela at tatlumpu si Kristina. Kung kaya't madalas na ang tawagan nila ay amiga.

"Siya nga pala, kamusta kayo ng inyong asawa?" pag-iiba ng usapan ni Kristina. Nakita niyang nawala ang mga ngiti sa labi ni Amela, "Katulad pa rin ng dati, maayos naman ang aming pagsasama. Iyon nga lamang, sinisisi niya pa rin ang pagkawala ni Criselda."

Natahimik si Kristina sa tinuran ng kausap. Hindi man niya nakilala si Criselda. Nakilala naman niya ito base sa ikinuwento sa kaniya ni Amela. Batid niyang matagal nang naghahari sa mag-asawa ang konsensya sa pagkamatay nito.

Ilang sandali pa'y may isang serbidora ang lumapit sa kanila. Ito ay nagsisilbi kina Kristina at sa asawa nito. "Mawalang galang na ho, nariyan na po ang asawa ni Donya Amela."

Dahil doon ay naputol ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng dalawa. Agad silang napatayo sa kanilang inuupuan. "Nariyan na pala ang aking asawa. Usapan namin na manananghalian kami ng sabay sa aming tahanan. Mabuti na lamang at nakapagluto na ako bago mamasyal dito."

Tumawa sila pareho na parang walang napag-usapang nakalulungkot na bagay. "Mabuti naman. Siya, humayo na kayo at baka naaaburido na ang iyong ama sa makulit niyong anak na nasa inyong sanglaaan!" biro pa ni Kristina. Nasa edad na limang taong gulang na ang anak na lalaki nina Amela at Ruben. Siya ang napili nilang ninang noong pinabinyagan ito.

Umalis na si Amela sa mansion ng may ngiti sa labi. Mas sumidhi pa ito nang makita si Ruben na naghihintay sa kaniya sa labas ng kalesa na kaniyang sinakyan. Batid niyang sumakay ito sa isa pa nilang kalesa na kasunod nito. Nahihinuha niyang sa kalesang sinakyan niya ito sasabay.

"Kamusta ang iyong umaga sa loob ng hukuman?" panimula ni Amela sa magiliw nitong tono. Ngumiti naman si Ruben ng kay tamis kung kaya't sumilay ang biloy nito sa pisngi. Hinagkan ni Ruben ang noo ni Amela.

"Mabuti naman. Bilang hukom ay nakasasakit sa aking ulo ang mga kasong aking hinahawakan. Binibigyan pa ako ng mga mahahawakang kaso ni Tiyo Lino! Nakakaiyak." ngiti ni Ruben na parang nagbibiro sa tinuran. Ang kaniyang Lolo Rogelio ay pumanaw na noong nakaraang tatlong taon at si Huwes Lino na kasalukuyang punong-hukom ng kanilang bayan ang naiwan na kaniyang kapamilya.

Kapwa sila napangiti sa birong iyon na tinuran ni Ruben. "O'siya, mabuti at naipagluto na kita ng paborito mong putahe."

Ngumiti lalo si Ruben sa sinabing iyon ng asawa. Inakbayan niya ito sa balikat at inalalayang sumakay sa kalesa. Sumakay din ito rito at sinabihan ang isa nilang kutserong sinakyan ni Ruben kanina na sumunod na lamang sa kanila.

Diferente Caras de AmorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz