Prologo

446 27 21
                                    

Prologue

Filipinas 1815

"MAWALANG galang na Señor Franco, hindi na ba kayo uuwi sa inyong tahanan ng iyong munting kapatid na si Binibining Manita" wika ng isang magandang dilag na nasa edad desi-otso. Nakasuot ito ng puting baro't saya at makikita ang kaniyang taglay na kagandahan sa pamamagitan ng mga lamparang nakapaligid sa isang malaking silid aklatan.

"Mawalang galang na rin Binibining Selia ngunit tila ika'y nagigiliw pa sa aking kapatid kung kaya't mamamalagi muna kami rito hanggang sa mag alas-otso" wika ni Fanco at ibinaba ang isang libro na na pagmamay-ari ni Don Rojel Francisco na ama naman ni Selia.

Nasaksihan niya pang pinipisil ng dalagita ang pisngi ng munting bata na pumapagitan sa kanila. Kapwa sila nakaupo sa isang malambot na upuan at nakaharap sa isang maliit na lamesita na may palamuti ng mga binurdang sampaguita sapagkat puti ang paboritong kulay ni Selia.

"At isa pa huwag mo na akong tawaging Señor sapagkat ako na ang ginoong iyong pakakasalan" wika pa ni Franco na agad ikinapula ng pisngi ni Selia. Ginamit niya ang kaniyang abaniko upang maikubli ito at umiwas sa mga titig ng binata. Sa tuwing tinititigan siya nito tila nagdiriwang ang kaniyang puso at hihimatayin sa harap nito.

Sadyang nakaka-akit at taglay na kagwapuhan ni Franco. Nasa edad dalawampu na ito kung kaya't maginoo itong tignan. Matangos ang kaniyang ilong, makapal ang kaniyang mga kilay, kulay tyokolateng mga mata at maninipis na pulang mga labi. Bagay na taglay talaga ng isang Calisto.

"Nais mo bang mapadali ang ating kasal, G-ginoo? Ngunit hindi pa ako---" hindi na natapos ni Selia ang sasabihin dahil muling nagsalita si Franco at nilingon muli siya dahilan upang mapabilis ang kaniyang pagpaypay sa kaniyang abaniko. Hindi naman mainit ngunit nakakaramdam siya ng mga butil at malalamig na pawis. Nakakaramdam rin siya ng kaba sa tuwing tinititigan siya ng binata.

"Batid kong ika'y may pagtingin sa akin at gayon din ako, sinta. Nananabik na akong matawag kang aking asawa. Ginang Selia Francisco-Calisto" ngiti ni Franco habang ipinapakita sa hangin ang buong magiging pangalan ng dalaga sa oras na ikasal sila kahit pa hindi ito nakikita sa ere. Mas lalong napabilis ng pagkumpas si Selia ng kaniyang abaniko dahil hindi na siya makahinga, animo'y sasabog ang puso niya sa sobrang saya dulot ng mga mabubulaklak na salita ng binatang kausap.

Magkababata sila sapagkat matalik na magkaibigan ang kanilang ama. Labis na kinagigiliwan ni Gobernador Flabio si Don Rogel dahil sa katapatan nito at nagbibigay ng kaalaman at edukansyon sa mga kalalakihan ng kanilang bayan ito. Nagbebenta siya ng mga librong pangmedisina, pangabogasya, pangpari, pangpintor, at pangheneral. Kung kaya't ginawa siya nitong Cabeza de barangay ng barrio Calla, Monte Calisto.

Laking tuwa ni Selia at Franco sapagkat sa huli'y ipinagkasundo sila sa isang kasal. Hindi iyon labag sa kalooban nila sapagkat matagal nang nanliligaw si Franco kay Selia at matagal nang may pagtingin sila sa isa't isa.

Sa kabilang banda, napairap naman ang munting bata na si Manita. Mapungay na ang kaniyang mga mata sapagkat inaantok na siya, nasa edad na apat pa lang siya ngunit batid niya ang galawan ng kaniyang kuya at bukas na ang kaniyang isipan sa mga bagay-bagay. Kahit na musmos pa lamang ay mababakas na ang taglay na kagandahan ng bata, mula sa maputi niyang balat, matangos na ilong, at maninipis at pulang labi.

Wala siyang ideya kung bakit siya isinama ng kaniyang kuya sa mansion ng mga Francisco at sa mismong tindahan pa nito ng mga libro.

"S-saglit lamang, hindi ba kayo hinahanap ni Don Flabio?" pag-iiba ng usapan ni Selia upang hindi na magpatuloy ang nakakailang na presensya ng binata.

"O-op---" tinakpan ni Franco ang bibig ng kapatid niyang si Manita at siya na mismo ang nagsalita. "Nakapagpadala na ako ng liham para kay ama at ipinabatid kong kami'y uuwi ng aking kapatid sa ganap na alas-otso ng gabi" palusot ni Franco. Napatango na lang si Selia sapagkat animo'y natutulala siya sa mga ngiti ni Franco.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now