Capitulo Dos

142 24 0
                                    

Chapter 2

KASALUKUYANG nakatulala at nakangiti si Marcela sa bintana ng silid. Nagmamasid siya ngayon sa Ilog Pag-asa na ngayon ay banayad at kumikinang ang agos nito sa tuwing tinatamaan ng liwanag sapagkat tirik na ang araw.  Marami ring puno ang nagsasayawan sa paligid nito sa tuwing dumadaan ng marahan ang hangin. Ito ay hindi kalayuan sa Mansion ng mga Dela Cruz kung kaya't natatanaw iyon ng dalaga.

"Elang, h-hindi mo ba naibigan ang mga damit na aking regalo sa iyo? Pangako isang beses ko lang nasuot ang mga iyan at wala rin naman akong paglalagyan sapagkat puno na ang aking aparador" mahabang paliwanag ni Criselda habang hawak hawak ang ilan sa mga baro't saya na nakaladlad ngayon sa kama niya. Malaki ang kama niya, at tulad ng kanilang pasilyo, salas at hagdanan napapalibutan rin ito ng kulay ginto at pula.

Napalingon naman sa kaniya si Marcela at marahang umiling. Animo'y siya naman ang nagpapantasya ngayon. Hindi niya akalain na muli niyang makikita at sa malapitan pa ang taong matagal na niyang tinatanaw at hinihintay sa malayo. Lumundag siya sa kama kung kaya't naipit ang mga kasuotan na ipinagtaka naman ngayon ni Criselda. Umupo ng ayos ni Marcela dahil napagtanto niyang hindi niya dapat iasal iyon at bukod roo'y hindi niya iyon pagmamay-ari.

"Bakit tila ikaw rin ay nagpapantasya? Ikaw ba'y umiibig na rin Esteng? Tapatin mo ako" natatawang wika ni Criselda at lumundag rin sa kama kung saan naroroon si Marcela na naka-upo at nakatalikod. Ayaw niyang ipakita ang pamumula ng kaniyang pisngi sapagkat napagtanto niyang nasaksihan iyon ng kaniyang kaibigan.

"S-señorita..."

"Cedang na lang, tulad ng nakagawian. Nako hindi ka nagtatanda" pagtama ni Criselda sa sinabi ni Marcela. Walang nakakaalam ng kaniyang palayaw maging ang mga kapamilya nito. Si Marcela lang ang unang tumawag sa kaniya ng ganoon at ito rin mismo ang nag-isip ng bago niyang palayaw dahil wala namang natawag sa kaniya ng ganoon. Nais niya si Marcela lang ang nakakaalam sapagkat pakiramdam niya malapit na kamag-anak na ang kaibigan.

"Cedang..." napahinto si Marcela, hindi dahil sa pagtawag ng palayaw kundi dahil napaisip siya na baka ipagpilitan ng kaibigan ang kaniyang napupusuan na mapalapit sa kaniya gayong imposible iyong mangyari dahil wala siya sa lugar upang hangarin iyon. Wala siyang kakayahan upang mapa-ibig ang lalaking alam niyang may mahalagang papel sa lipunan.

"W-wala, hindi ako umiibig sadyang napakasaya lang ng mga alaalang naitudla sa buhay ko ngayon" iyon na lamang ang winika ni Marcela at pilit na ngumiti upang hindi mahalata ng kaibigan ang totoong nais niyang sabihin. Napangiti na lang ng todo si Criselda at yumakap rin ng mahigpit. Pakiramdam ng Señorita hindi na siya nag-iisa dahil bukod sa marami siyang kaibigan ay may tao namang lubos na umiintindi sa kaniya.

"Maraming salamat sa lahat Cedang" wika pa ni Marcela na halos magpaiyak ngayon kay Criselda. Hindi na niya mapigil pa ang nararamdaman kung kaya't humimas na lang siya sa likod ni Marcela upang mapigilan ang tangis sa sobrang galak. Pakiramdam niya nanalo siya sa isang malaking patimpalak at ang parangal ay ang pagmamahal ng mga taong tinuturing siyang pamilya na kailanman hindi niya naramdaman kahit na busugin siya sa karangyaan.

Dismayado namang nakatitig sa pader si Marcela matapos niyang sabihin iyon. Pakiramdam niya nagtaksil siya ng husto ngunit kinalaunan ay napatango na lang siya sa sarili na balang araw maipagtatapat niya rin iyon sa kaibigan. Habang nakatulala sa kawalan ay inalala niya ang tagpo kanina na halos magpahulog, hindi lang ang sarili niya sa hagdan kundi maging sa kaniyang puso...

Pagkarating nila sa dulo ng hagdan at laking gulat nila nang may sumalubong sa kanilang binata na bababa pa lang ng hagdan. Nakabarong ito at hawak-hawak ang kaniyang abarigo at sumbrelo sa magkabilang kamay.

Nakatulala lang si Marcela sa lalaki at maging ang binata ay nakangiting nakatitig rin sa kaniya. Animo'y kumikinang ang mga mata.

"S-si Carlos... Heneral Carlos Claemente"

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now