Capitulo Veintiocho

43 6 0
                                    

Chapter 28

MALALIM na ang gabi. Ang lahat ng kabahayan sa paligid sa loob ng bayan ay mga patay na ang mga lampara. Ang marahang simoy ng hangin at lamig dulot ng hamog ay nagbibigay ng aliwalas sa lahat ng nahihimbing. Ang bilog na buwan ay tahimik, tila nagpapahinga rin sa gitna ng katahimikan ng paligid.

Ang lahat ay payapang nahihimbing bukod sa isang maliit na bahay-kubo na bukas pa ang lampara. Bukas rin ang bintana ng kabahayan kung kaya't pumapasok roon ang malamig na simoy ng hangin at sinag ng buwan. Nasa loob niyon sina Carlos at Marcela.

"Saan mo ibig ikasala, Mahal?" usisa ni Carlos habang nakatulala sa tuktok ng patilos na bubong na gawa sa pawid. Naka-kandong sa kaniyang mainit at matipunong dibdib at matigas na braso ang ulo ni Marcela. Tulad niya ay gising pa rin ang diwa ng kasintahan.

"Nais kong sa malayo, kung saan walang panganib. Kahit simple basta kasama ka." tugon ni Marcela sa katanungan ni Carlos. Napa-ngiti si Carlos sa tugon ng dalaga, hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-init ng kaniyang pisngi sa tinuran nito.

Kapwa sila walang saplot at tanging ang malaki at makapal na puting tela lamang ang nagkukubli sa katawan nilang nag-iinit pa rin hanggang ngayon. Ramdam na ramdam pa rin nila ang bawat hapos at halik na dulot ng matibay nilang pag-ibig sa isa't isa.

"Kung bibiyayaan tayo ng mga supling, ilan ang iyong ibig?" tanong muli ni Carlos saka hinimas-himas ang nagugulong buhok ni Marcela. Kapwa sila nakatingin sa kawalan ngunit ramdam pa rin nila ang presensya ng isa't isa. Ang bawat kilos at pagpintig ng kanilang puso ay kapwa nila nararamdaman at napapakinggan sapagkat kay lapit nila.

"Kung ako ang papipiliin, ibig kong dalawa lamang. Panganay ay lalaki at ang bunso ay babae. Kung kambal naman, mas mainam na babae't lalaki." ngiti ni Marcela na parang humihingi ng pabor sa isang trabahador kung ano ang ibig niyang mangyari sa kaniyang silid.

"Ako'y sang-ayon sa iyo. Ikaw ang masusunod, Mahal," pagwikang iyon ni Carlos ay saglit niyang hinalikan ng buong sikap ang ulo ni Marcela sa kaniyang dibdib. Hindi maikakailang matipuno ang pangangatawan nito. "At kapag dumating sila sa ating landas, ibig kong manirahan tayo sa ganito kasimpleng tahanan ngunit may malawak na lupain. Maaari tayong magsimula roon at maglaro kasama nila. Ibig kong lumalaki sila ng may pagmamahal sa pamilya at takot sa Diyos."

Hindi mapigilang mapangiti ni Carlos habang iginuguhit niya sa kaniyang isipan ang mga ideyang iyon kapag nakabuo na sila ng pamilya ni Marcela. Iyon ang pangarap niya, ang pamilyang walang ibig patunayan sa madla. Ang pamilyang hangad lamang ay lumigaya sa piling ng isa't isa. Ang pamilyang malayo sa kinagisnan niya na minsan niyang tinawag na pamilya.

"Kung narito lamang ang iyong ina at kapatid, marahil ay natutuwa siya sa iyong mga magiging desisyon sa buhay. Kung narito rin sina Inang, Itang, Kuya at Cedang marahil ay susuportahan nila tayong dalawa."

Tila nababasag ang boses ni Marcela nang matapos niyang magsalita. Naghabol na rin siya ng hininga sapagkat muli nanaman niyang naalala ang bangungot na pareho nilang naranasan ni Carlos. Ang mahirap sa patuloy nilang pagsasama ay ang kalungkutan at pangungulila sa pagitan ng kanilang kasiyahan.

"Mahal," napansin ni Carlos ang lihim na paghikbi ni Marcela sapagkat dumampi sa kaniyang dibdib ang luha nito. Gumalaw siya ng marahan at pinaharap niya si Marcela diretso sa kaniya. "Batid kong hindi madaling kalimutan ang lahat ngunit isa lamang ang aking natitiyak. Mamumuhay tayo ng tahimik kung saan ay walang may intensyon na umapi o manghamak sa atin."

Pinahid ni Carlos ang mga luha ni Marcela sa pisngi gamit ang kaniyang mga palad. Buong sikap niya itong hinagkan sa noot at mahigpit na niyakap at kinulong sa kaniyang bisig. Sa pagkakataong iyon ay natagpuan ni Marcela ang kapanatagan ng kaniyang puso sa pamamagitan ni Carlos at sa mga salita nitong tila hihilom sa lahat ng kaniyang mga sugat.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now