Capitulo Treinta y Dos

30 4 0
                                    

Chapter 32

"NAKATITIYAK akong magiging maayos ang kanilang pagsasama. Isang huwaran si Heneral Anton, kung kaya't nababagay siya sa aking kapatid na si Marcela!" nagagalak na saad ni Franco na naririnig ni Marcela mula sa kaniyang silid.

Kanina, hindi siya nahuli ng kaniyang Kuya Franco na pumunta sa tahanan ng mga Claemente. Ang idinahilan rin ni Marcela nang magtanong sa kaniya si Manang Sidang kung saan pumunta ay inutusan siya ni Marina na pumunta sa eskuwelahan upang isauli ang mga aklat noon ni Criselda na ginamit. Sinang-ayunan rin ito ni Marina upang maging kapani-paniwala.

Ang mga guardia sibil naman na nagbabantay sa mansion ng mga Claemente sa Barrio Camilla ay nalusutan rin ni Marcela. Dinahilan niya na may mahalagang itatanong si Marina sa mga Claemente kung saan nila idinala ang mga titulo ng lupa ni Doktor Cristobal. Naniwala rin naman ang mga ito.

Natigil ang dalaga sa pag-iimpake ng kaniyang mga damit, ilang kagamitan at ang iba pa na dadal'hin niya mamaya ayon sa napag-usapan nila ni Carlos. May kung anong kirot siyang naramdaman nang marinig iyon. Hindi man lang siya inabisuhan ng kaniyang Kuya Franco sa mga bagay na marapat siya ang unang magdesisyon.

Ngayon, kaniya nang naiintindihan kung ano ang pakiramdam na ipagkasundo sa kasal. Gaya nang naramdaman noon ni Criselda na itinakdang ikasal sana sa lalaking hindi nito ibig makasama habambuhay.

"Sa iyong hinuha, kailan gaganapit ang kanilang kasal?" tanong ni Hukom Lino diretso kay Franco. "Ako'y nananabik nang mag-isa ang ating pamilya at impluwensya!" nagagalak na saad naman ni Don Rogelio na kasama ngayon ng hukom. Si Hukom Lino na ang susunod na punong-hukom sa oras na magbitiw sa puwesto si Huwes Emanuello sa susunod na buwan.

"Bakit hindi natin tanungin si Heneral Anton? Marapat siya na ang magdesisyon sa bagay na iyan sapagkat siya ang padre de pamilya!" suhestyon naman ni Franco na mababakas sa tono ng boses ang kagalakan at pananabik.

Lingid sa kanilang kaalaman na lihim na nakikinig at nakasilip si Marcela sa itaas ng hagdanan upang mas malinaw na mapakinggan ang kanilang usapan. Iniwan muna nito ang kaniyang lihim na pagbabalot ng gamit sapagkat mamaya pa namang ganap na ika-sampu ng gabi sila aalis ni Carlos patungo sa Batangas.

Ang bagay na pinag-uusapan nila ay siya ring nag-duyok kay Marcela upang tuluyang talikuran ang pamilyang hindi niya nakikilala.

"Marahil po ay sa buwan ng Diyembre? Mas marami pong dadalo sa araw ng kasal sapagkat buwan iyon ng semana santa." suhestyon naman ni Anton na tila isang huwaran at maginoo sa harapan ng mga kausap. Dahil sa tinuran ng Heneral ay sumang-ayon sa kaniya ang lahat. Nagtawanan at nag-biruan pa sila kung ilan ang marapat na supling ng dalawang ikakasal na.

Nanikip ang dibdib ni Marcela sa dulo ng itaas ng hagdan. Pulos hinanakit na ang kaniyang natatamasa sa araw-araw. Hindi niya inaakalang kahalintulad ang pag-usap na iyon sa noong pinag-usapan nina Don Arkimedez at Doktor Cristobal na kapwa pumanaw na.

Napakabig siya sa isang malaking muwebles na nasa likuran niya. Luminga-linga siya sa paligid kung may nakakakita ba sa kaniya ngunit agad niyang naalala na nasa ibaba lahat ng mga serbidora.

Sina Juancio at Marina naman ay nasa barong-barong ng pamilya Miraflor kung saan narron pa rin sila sa barrio Calla na kapwa tinitirikan ng kanilang mansion. Pumunta sila roon upang maalagaan na rin si Aling Ofelia na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa dati.

Ilang saglit pa'y naputol ang tawanan at kwentuhan ng mga Don nang may isang guardia sibil ang mabilis na tumatakbo tungo sa kinaroroonan ni Anton. May ibinulong ito sa kaniya na tanging sila lamang ang dapat makaalam. Tumango naman si Anton at sumenyas na puntahan muli ang lalaking nahuli nila.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now