Capitulo Dieciocho

55 6 4
                                    

Chapter 18

MULA NANG marinig nila ang masamang balitang iyon mula kay Vicente ay agaran silang umalis sa Barrio Calla at nagtungo sa Barrio Camilla kung saan naka lokasyon ang mansion ng mga Dela Cruz at Claemente. Kinakabahan sila habang papalapit nang papalapit ang dalawang kalesa na lulan sina Marina at Marcela sa nangungunang kalesa habang sa likod naman ay si Vicente na kanina pa pinipigilan ang maluha.

Hindi na nakapag-paalam ng maayos ang mga ito sa mga Miraflor sapagkat kay bilis ng mga pangyayari. Nagtataka rin ang ilang mga mamamayan ng Barrio Calla sa biglaang pag-alis ng mga taong nasa matataas na antas ng lipunan.

Hindi akalain nina Marcela, Marina at Vicente na hahantong sa pagpapatiwakal ang binibining kilala nilang masiyahin, malakas at hindi pinanghihinaan ng loob. Sa buong paglalakbay ay pare-pareho silang tahimik at tulala sa kawalan.

Ilang sandali pa ay tumigil na sa tapat ng mansion ang dalawang kalesa. Sing-bilis ng kidlat ang pagbaba ng tatlo at hindi alintana ang mga kasambahay, trabahador at mga kutsero na nakatitig lang sa kanila. Agaran nilang tinungo ang pintuan ng silid ni Criselda ngunit nandoon si Manang Cosing na kakalabas lang ng silid. Sinara nito ang pinto.

"Kamusta ang aking kapatid?" halos mabasag ang boses ni Marina nang mag-usisa siya para sa kapatid. Kinakabahan siya sa mga posibleng sagod ng Mayor Doma. "Nagpadala ang iyong ama ng bihasang doktor na kayang manggamot ng pulso at puso," tila iniba ni Manang Cosing ang usapan kung kaya't bahagyang nayamot ang dalaga. Hinawakan siya ni Marcela sa braso upang pakalmahin.

"S-sabihin niyo na ho, Manang" walang buhay na singit ni Vicente. Batid niya ang nangyari, hindi niya lang kakayanin na i-kwento ang lahat. Maaaring sumabog siya sa sobrang pagkabigla. Hindi niya kakayaning magiging ganito ang babaeng pinahahalagahan niya.

"M-maraming nawalang dugo sa kaniya. Halos kalahating oras na siyang sinusuri ng doktor. Ang mga kaagapay nito ay pabalik-panaog sa pagamutan niyo upang makakuha ng sasapat na dugo para sa mga nawala." salaysay ng Mayor Doma sa malumanay nitong tono. Kahit na wala siyang paki-alam sa mga amo, hindi niya maiwasang mag-alala sapagkat baka mawalan siya ng trabaho.

"Susmaryosep," nanlambot ang tuhod ni Marina. Muntik na siyang mawalan ng malay ngunit naalalayan naman agad siya Marcela. Tutulong na sana si Vicente ngunit napagdesisyunan niyang siya na mismo ang kumuha ng tubig.

Bumaba siya ng hagdan at sinabihan si Marcela na dal'hin si Marina sa tanggapan ng panauhin. Sinunod naman ito ng dalaga at pumangalawa sa hakbang pababa ng pula at gintong hagdan.

Nang maka-upo ni Marcela si Marina ay dumaan si Lydia sa likuran nila na sana ay magbabanlaw ng mga bimpong nasa kahoy na batya na may bahid ng dugo. Napansin siya ni Marina.

"Lydia, nasaan sina Ama at Ina? Bakit tila wala silang kamalay-malay sa nangyayari?" usisa nito hinarap naman siya ni Lydia habang hawak ang batya. Puno rin ng pag-aalala ang ekspresyon nito.

"Nasa pagamutan ho ang inyong Ina para panandaliang mamahala doon. Samantala, ang inyong  ama naman po ay nasa daungan. Kasalukuyan ho siyang namimili ng mga bagong herbal at halamang gamot sa mga mangangalakal na kaka-daong lamang, Señorita." lahad na paliwanag ni Lydia. Nang wala nang sasabihin ang Señorita ay nagbigay galang na ito at tumungo sa likod-bahay.

"A-ayos ka lamang ba, Señorita? Ibig mo bang handaan kita ng agahan nang sa gayon ay mabawasan ang iyong pag-aalala" biglaang wika ni Marcela sa malumanay nitong tono. Naaawang tinitigan siya ni Marina.

"Sa iyong tingin, mawawala rin ba ang iyong pag-aalala, kung sakaling malamnan ang iyong sikmura?" wika ni Marina na nagpatigil kay Marcela na sana ay tatayo. May biglaang nangilid na mga butil ng luha sa kanilang dalawa. "Hindi ko alam ang aking dapat na maramdaman, pinipilit kong magpakatatag at magtiwala kay, Cedang dahil matatag siya ngunit..." natigilan siya at napa-buntong hininga.

Diferente Caras de AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon