Capitulo Tres

125 19 12
                                    

Chapter 3

ORAS na ng siyesta. Nakatulala lang si Marcela sa kalangitan matapos niyang diligan ang mga halaman na nakatanim sa hardin ng Hacienda Dela Cruz. Kahit na anong gawin niyang tingala roon ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyayari ngayon sa kaniyang kaibigan na si Criselda.

Ilang araw na itong hindi lumalabas sa silid nito. Ilang araw na ding nangtataka sina Lila at Amela kung bakit sa tuwing sinusundo nila ito upang makasabay sa pagpasok ay hindi sila nilalabasan nito. Inalala muli ni Marcela ang dahilan kung bakit hindi lumalabas sa silid nito si Criselda...

Tumalikod ang binata at kumaripas ng takbo papalayo dala-dala ang kaniyang sibat at buslo. Nakasuot ang binata ng sira-sirang kamiso at tuluyan nang naglaho sa kagubatan.

"Ruben, irog ko ika'y nagkakamali" malungkot na pagpigil ni Criselda. Hindi na niya mapigilan pa ang sariling mapaluhod sa lupa. Nais niyang habulin ang kaniyang minamahal ngunit tila mailap ang pagkakataon upang maitayo niya ang sariling mga paa.

"Criselda, h-hindi mo kailangan tumangis para sa lalaking iyon" wika ni Vicente habang kinikilatis ang kaniyang libro kung may sira ba ito. Napalingon naman sa kaniya ang lumuluhang si Criselda.

"Bakit... Anong nais mong iparating?" usisa ni Criselda habang pinupunasan ang luha. Napalingon muna siya sa lupa habang hinahawi ito bago tumingin muli sa nakatayong binata sa tabi niya.

"Ang nais kong iparating, ang taong ganoon na makikitid ang pag-iisip ay hindi nararapat na pag-alayan ng puso" tugon ni Vicente dahilan upang mag-iba ang timpla ni Criselda at tumayo upang sampalin siya.

Nanlaki ang mga mata ni Marcela sa nakita kung kaya't lumapit siya sa kaibigan upang pakalmahin ito. "Wala kang batid sa pag-ibig. Nais mo pa namang maging isang prayle, matabil ang iyong dila!"

"Señorita Criselda huminahon ka" pigil pa ni Marcela sa kaibigan.

Nanlilisik ang mga mata ni Criselda habang nakatingin ngayon kay Vicente na napa-paling pa sa gilid nang sampalin siya ng dalaga. Nanatili na lang kalmado ang binata at napabuntong hininga bago magsalita.

"Kung talagang ikaw ay kaniyang iniibig hindi siya kikilos ng ganoon at hahayaan ka niyang magpaliwanag," dahilan pa ni Vicente habang nakatingin lang sa lupa upang iwasan ang nakasisindak na mga mata ni Criselda.

"Karapatan mong pagkatiwalaan lalo na't ikaw'y kaniyang minamahal. Nararapat lamang na intindihin niya ang iyong nararamdaman" dagdag pa ng binata sabay tingin kay Criselda diretso sa mga mata nito. Humupa naman ang poot sa mga mata ng dalaga at napalitan ng lungkot sa mga tinuran ni Vicente.

"H-hindi... mahal niya ako't---" hindi na natapos pa ni Criselda ang dahilan niya nang may kumaluskos sa masukal na bahagi ng tabing ilog.

"Sinasabi ko na nga ba't naririto kayo!" mariing wika ni Don Cristobal habang matalim na nakatingin kay Criselda. Bigla namang kinabahan si Marcela dahil taliwas sa mga ngiti nito ang matapang na itsura ng Don ngayon.

"Ipagpaumanhin mo sana hijo ang kapusukan ng anak kong ito, siya nga pala ika'y hinahanap na ng iyong ama" pagtitimpi ni Don Cristobal sa inis na nararamdaman at pilit na ngumiti rito. Kasama niya ang kaniyang asawa na si Donya Josefa at nakataas lang ang kilay nito kay Criselda.

Nagbigay-galang ang binata bago tumungo papaalis. Nang makaalis ito ay agad na lumapit si Don Cristobal kay Criselda at hinawakan ito sa patilya upang turuan ng leksyon.

"Criselda, lagi mo na lamang pinapahiya ang aking pangalan. At ito, isang kapusukan! Hindi ka na talaga nagtanda!" sigaw pa ng don at hinila ito papauwi. Walang nagawa si Marcela at nanatili lang siyang nakasunod sa mga amo. Naisin man niyang pigilan ang ama ni Criselda ngunit natatakot siyang baka mas lumaki pa ang gulo sa pagitan ng mag-ama.

Diferente Caras de AmorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin