Capitulo Veinte

37 5 0
                                    

Chapter 20

KASALUKUYANG nagtuturo si Carlos ng eskrima sa mga bagong hukbong kaniyang sinasanay. Ilang linggo na mula nang magsimula ang pagsasanay na iyon. Sa nagtataasang kabundukan ng Barrio Calla sila naka lokasyon.

Nagmamasid siya habang may dalawang guardia sibil ay naglalaban sa kaniyang harapan bilang bahagi ng pagsasanay. Naghahanda sila para maagapan nila ang mga mangyayaring rebelyon kung sakali. Kagapay niya si Kolonel Atienza sa bagay na iyon.

Ilang sandali pa ay may isang naka-kamisong lalaki ang mabilis na tumatakbo patungo sa kinaroroonan nila. Ang ilang mga sinasanay ay napatingin dito. Ang dalawang naglalaban sa eskrima ay natigilan din. Ang lalaking iyon ay ang espiya nina Kolonel Atienza at Heneral Carlos.

"H-heneral, m-mawalang galang na ho," naghabol ito ng hininga nang makatigil sa harapan ng dalawa. Kumunot naman ang noo ng Kolonel maging ng Heneral. Hinayaan nila itong magpatuloy. "A-ang palengke ho, kasalukuyang ginugulo ng ilan sa inyong hukbo. Pinangungunahan po ito ni Doktor Leonilo."

Sa sinabing iyon ng kanilang espiya ay nataranta si Carlos. "Kolonel, samahan mo ako sa palengke" saad ni Carlos na agad na tinanguan ng Kolonel. Kinuha nito ang talaan ng mga certifico na nakalagay sa kaniyang sisidlad.

Mabilis na sumakay si Carlos sa puti niyang kabayo, sinundan naman ito ni Kolonel Atienza na sumakay sa itim nitong kabayo. Kapwa sila naka-suot ng karampatan nilang uniporme. Bago sila umalis ay may isang pinagkakatiwalaang Guardia Sibil si Carlos at inutusan niya itong siya muna ang mamahala ng pagsasanay na iyon.

Matapos, mabilis nilang pinaandar ang kani-kanilang kabayo. Walang pinalampas si Carlos na segundong lumilipas. Nais niyang hanggang may oras pa, may pagkakataong siyang ipamutawi ang kapayapaan. Batid niya ang planong ito ng kaniyang ama ngunit ang hindi niya maunawaan ay kung bakit si Doktor Leonilo ang mangunguna noon gayong kagagaling lamang nito sa Maynila.

Hindi niya maatim na may kasamaan din iton hangad sa kanilang bayan. Ang sarili niyang Lolo ay katulad ng bunga nito. Hindi na siya nagtataka pa sapagkat kung ano ang puno, siya ring bunga. Bagay na hindi niya nais tanggapin sapagkat higit na naiiba siya sa kaniyang ama.

Narating na nila ang kabisera ng kanilang bayan. Hindi sila makapasok sa loob nito kung saan ang palengke na pinapalibutan ng mga taong nakikiusyoso at nagkukumpulan. Hindi nila ito madaanan. Napagdesisyunan ni Carlos na bumaba na lang at ibilin sa mga kutserong gumagalang sa kaniya ang mga kabayong sinakyan nila ni Kolonel Atienza.

Tumakbo siya nang tumakbo upang mas makarating siya ng mas mabilis sa paroroonan. Sumunod sa kaniya ang Kolonel. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang pamilya Miraflor, ang pamilya ni Marcela. Bugbog sarado si Juancio, tumatangis si Aling Ofelia at kinakaladkad si Mang Mario.

Sinisigawan niya ang mga taong humaharang sa dinaraanan niya. Nang makilala naman siya ng mga ito ay agad na nagbibigay ang mga ito ng daan at humihingi ng labis na paumanhin sapagkat kinatatakutan nila si Carlos. Nagtagis ang kaniyang bagang nang makita ang kaniyang Lolo na nakangisi habang nakaharap sa mga Miraflor.

Narating ni Carlos ang pinakasentro ng dahas na sinasabi. Natigilan ang mga guardia sibil sapagtataboy ng mga walang laban na mamamayan nang makita nila ang Heneral at Koronel. Tinandaan ni Carlos ang mga mukha nito.

Mas bumilis ang kaniyang takbo nang may isang pinaka-angat na Guardia Sibil ang namutawi sa eksena. Kilalang-kilala niya ito. Isa ito sa mga Guardia Sibil na minsan nang tumuligsa sa lahat ng kaniyang mga utos. Mas lalo siyang nag-alab sa galit at mas binilisan ang pagtakbo habang umiiwas sa ilang taong humaharang.

"HUWAG...!"

Narinig ni Carlos ang sigaw na iyon at nakita niya ang babaeng kaniyang minamahal. Naka-harang ito sa pamilya Miraflor. Mabilis siyang tumakbo sa abot ng kaniyang makakaya nang makita ang latigong tatama sa dalaga.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now