Capitulo Diecinueve

50 5 1
                                    

Chapter 19

GANAP na alas seis ng umaga may dalawang ginagalang na alta ang nag-uusap sa loob ng tribunal. Kasalukuyan silang nasa sentro ng bayan ng Monte Calisto at ang kinaroroonan nila ay ang Tanggapan ng Opisyal.

Nasa pinaka-sentro ng mahabang lamesa na gawa sa kahoy ang Gobernadorcillo na si Gobernador Arkimedez habang ang nasa ikatlong silya palayo sa kaniya sa bandang kanan ay si Cabezang Rogel, siya ang ama ni Donya Selia.

"Kapitang Rogel, aking nauulinigan na sadyang mabenta ang iyong librong pang-edukasyon. Sa loob ng maraming taon ay patuloy na lumalawig ang kaalaman sa bayang ito sa pamamagitan mo. Labis akong natutuwa," ngiti ng Gobernador sabay upo sa kaniyang silyon. Kulay ginto at puti ang palibot ng tribunal na hinaluan naman ng kulay tyokolateng capiz na mga bintana.

"Maraming salamat, Gobernador. Hindi ako magiging ganito kaunlad kung hindi dahil sa iyong Ama na si Doktor Leonilo." tawa ni Cabezang Rogel na sinabayan ng kaniyang pag-ubo. Matanda na ito at humihina ang baga sapagkat labis ang pagkonsumo nito ng tabacco noong kabataan.

"Ikaw ay tama, marahil, sadyang matagal mabuhay ang mga katulad na'ting may..." hindi na tinapos ni Gobernador Arkimedez ang sasabihin nang tawanan niya lang ang mga salitang lalabas sana sa kaniyang bibig. Sinuri niya ang matanda Cabeza na parang nailang sapagkat nakukuha nito ang nais sanang sabihin nito.

Matapos ang ilang segundong katahimikan ay biglang dumating sina Alcalde Mayor Dencio Placida, Doktor Cristobal Dela Cruz na kasalukuyang nakikipagkwentuhan pa kay Doktor Leonilo Claemente na isang tanyag na Doktor sa kabisera ng Tondo, Intramuros at ng buong Kamaynilaan. Si Hukom Filimon Billando na pinapangunahan ng tulirong si Huwes Emanuello Collado.

"Hola mga Amigos, Hola aking Ama." bati ni Gobernador Arkimedez sabay lahad ng dalawa niyang braso upang paunlakan ang mga matatas na taong dumating sa loob ng tribunal. Kataka-takang pati ang mga Doktor at mga Hukom ay nakasama sa loob niyon.

"Maupo ka, Alcalde Dencio, may mahalaga akong ipapagawa sa'yo." ngiti nito. Biglang natigilan ang alcalde sa sinabi nito, batid niyang may ipapagawa nanaman ito sa kanila kaya pinatawag sila nito ngunit ang mas pinagtataka niya ay siya lamang ang nag-iisang binanggit. Sa huli, umupo na lamang siya sa tabi ng Cabeza at napa-yuko.

"Maupo kayo Huwes Collado at Hukom Billando, kayo ang mamamalakad ng hukumang kinukubli ang katotohanan" sarkastikong tawa ni Gobernador Arkimedez. Bahagyang napa-tawa naman si Hukom Filimon ngunit tipid na ngumiti lamang si Huwes Emanuello na siyang punong-hukom ng hukuman sa bayan ng Monte Calisto. Kapwa sila umupo sa ika-tatlo at ika-apat na silya sa kanang bahagi.

"O'Doktor, umupo ka aking amigo. Hindi na hinggil sa kasalan ang usapang ito. Ihanda mo ang iyong pagamutan sa nalalapit na himagsikang darating sa ating bayan." ngisi muli ni Gobernador Arkimedez. Si Doktor Cristobal ang kaniyang tinutukoy. Umupo ito sa tabi niya. Sa loob ng Tribunal, siya lamang tumatawa at nagsasalita.

"Ama---" natigilan si Gobernador Cristobal nang walang ganang umupo si Doktor Leonilo sa kanang bahagi ng lamesa na katabi niya at nagsalita, "Nasaan ang aking Apo, ang aking akala ay sasanayin mo na siya sa mga ganitong pamamalakad?"

Natigilan ang Gobernador, "Batid kong may pinanghuhugutan siya ng mga walang-kwenta niyang prinsipyo kung kaya't hayaan na'tin siya. Aking nararamdaman na sa araw ng kagipitan ay lalapit din siya sa atin dahilan upang atin siyang mapa-sunod." tawa nito ngunit mapait ang bawat binibitawang salita. Napatitig sa kaniya ang lahat. Batid niyang tumutuligsa ang panganay nitong anak na si Carlos laban sa mga desisyon niya.

"Iyong siguraduhin, Arkimedez. Mas kailangan na'tin ang kapangyarihan niya upang mapasa'tin ang puwersa ng hukbo. Bukod sa pagiging heneral niya, siya ang papalit sa iyong posisyon sa pagiging Gobernador." maotowridad na saad ni Doktor Leonilo. Kinilatis niya ang kaniyang anak na biglang napa-isip sa kaniyang sinabi.

Diferente Caras de AmorWhere stories live. Discover now